Ang Aklan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Panay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa mga lalawigan ng Antique sa kanluran at Capiz sa timog-silangan. Matatagpuan sa hilaga nito ang Dagat Sibuyan at ang lalawigan ng Romblon.
Kahit na laganap na ang Kristiyanismo, ang mga Aklanon paniniwala sa mga aswang at sa mga babaylan ay laganap pa rin sa mga tao. Kinakatakutan pa rin ang kulam ng maraming tao dito.
Mga Pagdiriwang
Kilala ang lalawigan sa taunang Pistang Ati-Atihan sa Kalibo, na kadalasang ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pagdiriwang ay isang pista para kay Santo Niño o ang Batang Hesus, at sinasabi ring nagpapaalala sa pagdating ng mga Kastila, at ang pagdating din ng relihiyong Katoliko.
Panitikan
Kilala ang mga Aklanon sa kanilang panitikan, na kinabibilangan ng epiko ng Kalantiao. Sa kasalukuyan, may mga Aklanon tulad ni Melchor F. Cichon na nagsusubok na lalo pang paunlarin ang panitikan ng lalawigan.