Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas

Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Uri
Uri
Pinuno
Lord Allan Velasco (PDP–Laban)
Simula Ika-12 ng Oktubre, 2020
Mga Kinatawan ng Ispiker
Pinuno ng Mayorya
Ferdinand Martin G. Romualdez (Lakas)
Simula Hulyo 22, 2019
Pinuno ng Minorya
Marcelino Libanan (Abang Lingkod)
Simula Ika-19 ng Oktubre, 2020
Estruktura
Mga puwesto306 na kinatawan
245 sa mga heograpikong distrito
61 na kinatawan ng mga party-list
Mga grupong pampolitika
Halalan
Huling halalan
Mayo 13, 2019
Lugar ng pagpupulong
Hugnayan ng Batasang Pambansa, Lungsod Quezon
Websayt
http://www.congress.gov.ph
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas. Di-pormal itong tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan o mga kongresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang hanggang tatlong ulit sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.

Ang hugnayan ng Batasang Pambansa (o simpleng Batasan), na matatagpuan sa Batasan Hills sa Lungsod Quezon, ang opisyal na himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Representasyong pandistrito

Lahat ng mga lalawigan at iilang lungsod ay nirerepresentahan ng isa o higit pang distritong kongresyonal/lehislatibo, kung saan ang mga mamamayan ang bumoboto para sa kinatawan ng kanilang distrito. Bawat distrito ay binubuo ng humigit-kumulang 250,000 katao. Sa kasalukuyan, mayroong 243 mga distrito sa buong bansa.

Mga distritong pambatas sa mga lalawigan

Tingnan din