Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga hotel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
Pangalan
Ang katutubong pangalan para sa lugar ay Sugbo. Ang pangalang Cebú ay isang pagka-Kastila ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay San Miguel ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang Santo Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús.
Heograpiya
Matatagpuan ang Cebu sa silangan ng Negros, sa kanluran ng mga pulo ng Leyte at Bohol. Isang mahabang makitid na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 mi) mula hilaga hanggang timog, na napalilibutan ng 167 maliliit na mga kapuluan, kasama na ang Mactan, Bantayan, Malapascua, Olango at ang Kapuluan ng Camotes. May makitid na dalampasigan, talampas na apog at mga patag na baybayin ang Cebu. Mayroon din mga bulubundukin mula hilaga hanggang timog sa kahabaan ng pulo.
Nasa 1,000 metro (3,300 tal) ang pinakamataas na bundok ng Cebu. Ang kapatagan ay matatagpuan sa lungsod ng Bogo at sa mga bayan ng San Remigio, Medellin at Daanbantayan at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
Dahil sa heolohikal nitong lokasyon, ang Cebu ay isa sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga pangangalakal bago pa dumating ang mga Espanyol. Ito rin ang nagsisilbing gateway sa napakaraming tourist destination sa Pilipinas katulad ng Bohol kung saan makikita ang pamosong Chocolate Hills, Boracay Island, Puerto Princesa at marami pang iba. [3]
Klima
Tropikal ang klima ng lalawigan ng Cebu. May dalawang panahon sa Cebu, ang tag-araw at ang tag-ulan.[4] Kadalasang tuyo at maaraw sa kabuuan ng taon na may kalat kalat na pag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre. Ang lalawigan ng Cebu ay kadalasang dinadaan ng isang bagyo lamang o minsan naman ay wala.
Umaaabot sa 36 °C (97 °F) mula Marso hanggang Mayo ang temperatura sa Cebu, hanggang sa pinakamababang 18 °C (64 °F) sa mga bulubundukin tuwing tag-ulan. Pangkaraniwang 24 hanggang 34 °C (75 hanggang 93 °F) ang temperatura sa Cebu, at hindi gaanong nagbabago maliban na lamang sa buwan ng Mayo, kung saan naitatala ang pinakamainit na temperatura. Pangkaraniwang 70–80 bahagdan ang
kahalumigmigan ng Cebu.[5]
Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol, kanlurang Leyte, Negros; sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay bahagya lamang.[6] May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano.[7] Mahusay din manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.
sa Santa Rosa, Ang Bisayang Bantayan ang sinasalita.
Ang Wikang Kastila ang kadalasang sinasalita ng mga mestizo, at sa mga pamayanang Kastila. Ang lalawigan ng Cebu ang kauna-unahang lalawigan naimpluwensiyahan ng mga Kastila bago inilipat ang kabisera sa Maynila. Ang Wikang Ingles ang salitang ginagamit sa larangan ng edukasyon, media, komersiyo, kalakalan at pamahalaan; at ang Wikang Intsik ay sinasalita naman sa mga pamayanang Tsino.
Relihiyon
Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang pook nito sa Basilika.
Ekonomiya
Ang "Ceboom", pinaghalong salitang "Cebu" at "Boom", ay ginagamit upang tukuyin ang pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan. Kasama ng maraming magagandang kapuluan, mga dalampasigang may puting buhangin, mga magagarang hotel at mga resorts, mga pook bakasyunan at mga pook pangkasaysayan, ang mataas na pagdagsa ng mga lokal at banyagang turista ang nagpalago sa industriya ng turismo sa Cebu. Nanatiling may malaking bahagi ang Cebu sa mataas na bilang ng turista sa Pilipinas, at nagiging daan pangturismo para sa iba pang mga pook pangturista sa Gitna at Katimugang bahagi ng Pilipinas, dahil sa lokasyon nito.
Tinatayang 80% ng mga tagapamahala ng mga panglokal at pambayagang mga barko at tagapaggawa ng barko sa Pilipinas ay matatagpuan sa Cebu. Ang industriya ng paggawa ng barko sa Cebu ang naglagay sa Pilipinas sa ika-apat na pinakamalaking bansang gumagawa ng barko sa buong daigdig.[8]
Politika
Ang lalawigan ng Cebu ay nahahati sa 44 na bayan at 6 na lungsod. Bagamat kasali ang mga lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu at Mandaue sa probinsya ng Cebu, hindi sila kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.
↑"List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2013. Nakuha noong 1 Abril 2013.
(Administratibong malaya mula sa lalawigan ngunit ipinangkat sa Cebu ng Pangasiwaan ng Estadístika ng Pilipinas. Subalit pinahihintulutang makaboto ang mga kuwalipikadong botante sa Mandaue ng mga opisyal ng lalawigan ng Cebu sa ilalim ng Batas Republika Blg. 6641, sang-ayon sa Seksiyon 452-c ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991.)