Iriga

Iriga

Lungsod ng Iriga
Mapa ng Camarines Sur pinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Iriga.
Mapa ng Camarines Sur pinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Iriga.
Map
Iriga is located in Pilipinas
Iriga
Iriga
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 13°25′23″N 123°24′44″E / 13.4231°N 123.4122°E / 13.4231; 123.4122
Bansa Pilipinas
RehiyonBicol (Rehiyong V)
LalawiganCamarines Sur
DistritoPang-apat na Distrito ng Camarines Sur
Mga barangay36 (alamin)
Ganap na Lungsod3 Setyembre 1968
Pamahalaan
 • Punong LungsodMadelaine Y. Alfelor Gazmen (LP)
 • Manghalalal73,526 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan137.35 km2 (53.03 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan114,457
 • Kapal830/km2 (2,200/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
25,276
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan28.45% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
4431
PSGC
051716000
Kodigong pantawag54
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaRInconada Bikol
Wikang Gitnang Bikol
Mount Iriga Agta
wikang Tagalog
Websaytiriga.gov.ph

Ang Lungsod ng Iriga ay isang lungsod sa lalawigan ng Camarines Sur, Pilipinas. Ito ay matatagpuan mga 400 kilometro sa timog ng Manila, 37 kilometro timog ng Naga, at mga 61 kilometro mula sa hilaga ng Legazpi City. Ito ay may hangganan sa bayan ng Buhi sa silangan, sa mga munisipyo ng Baao, Nabua at Bato sa kanluran, sa mga lalawigan ng Albay sa timog, at sa munisipyo ng Ocampo at Sangay sa hilaga. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 114,457 sa may 25,276 na kabahayan.

Kasaysayan

Sinaunang kasaysayan ng Camarines Sur

Ang Camarines Sur ay nagmula sa labas ng isang orihinal na komunidad na sakop ang mga kasalukuyang mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Camarines Sur at Camarines Norte. Ayon sa pananaliksik na isinasagawa ng mananalaysay na si Dr. RAUL Gerona, ang salitang Camarines ay unang nalimbag nang ang apo ni Miguel Lopez de Legazpi na si Kapitan Juan de Salcedo, na may kasamang 120 tao, ay naglunsad ng ilang mga ekspidisyon upang hanapin at masakop ang sikat sa pagmimina na baranggay ng Paracale at Mambulao noong 1573. Ang mga kastilya ay kinilala ang mga lugar tulad ng Camarines na ang tinutukoy ay ang buong-haba ng Ilog Bicol.

Matapos ang pananakop, noong 4 Marso 1579, inutusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Sande si Kapitan Juan de Guzman na "isama ang dalawang nakapaang paring Pransiskano at dalhin ang mga ito sa Ilog ng Bikol at sa anumang lugar ng lalawigan nila gustong pumunta ... Bumuo ng Simbahan saanman nila ipahiwatig, ipagbigay-alam ang mga kastilang naninirahan doon ang tungkol sa dalawang pari sa lugar... "

Ipinagutos din ng Gobernador-Heneral sa komandante ng Kastilang mananakop na nagkakampo sa lugar sa tabing-ilog na "pag-uusapan sa mga relihisong naroon na tumira sa lalawigan ng Bikol at Camarines at sa lugar ay isang bahay (Villa) ang itayo at bigyan ito ng pangalan na sa tingin mo'y karapatdapat at iyong pamunuan ang mga encomenderos sa lalawigan na bumuo ng kanilang mga bahay doon at hindi sa ibang lugar ..." Bilang tugon sa atas na ito, ang Villa de Caceres (Naga) ay itinatag, na sa huli ay naitaas sa isang Ayuntamiento o lungsod.

Ang Nueva Caceres ay nagsilbi bilang sentro sibil at tirahan ng mga pari o obispo habang ang iba pang mga encomiendas ay naitatag sa loob ng lambak ng ilog. Kabilang sa mga unang naitatag ay ang Milanit (Milaor), Guas (Goa), Magarao, Minalva (Minalabac), Carvanga (Calabanga), Aliman (Libmanan), Lagonoy, Nabua, Bula, at Buy (Buhi).

Mga unang pamayanan sa Iriga

Ang Iriga, mula sa isang parirala sa lokal na salita na "I raga" na nangangahulugan na may lupa, lumago mula sa pamahayan sagilid ng Ilog Bikol tinatawag na Bua (Nabua), na naghahanap ng mas mataas na kapaligiran dahil sa matagalan at mapaminsalang pagbaha sa bayan sa panahon ng tag-ulan.

Ang Bua ay isang mababang latiang kalupaan na madaling lumubog sa tubig sa panahon ng tag-ulan. Dahil dito ang ilang mga tao at ilang magsasaka, sa payo ng paring si Felix de Huertas, na noon ay kura paroko ng Nabua, ang mga magsasaka upang ilipat sa I-raga na kung saan sila ay maaaring magtanim ng kanilang mga pananim nang walang pangambang malubog sa tubig.

Ang mga tao ng Bua ay sa isang mas mataas na lupa na matatagpuan sa paa ng Sumagang, isang bundok sa silangan ng Bua. Ang paanan ng bundok ay may malalawak na kalupaan na magagamit para sa paglilinang at paninirahan na di-katulad ng Bua; ito ay hindi malubhang binabaha sa panahon ng masidhing tag-ulan. Ang pamayanan ay tinawag na Iraga, na ang ibig sabihin ay "may lupa" sa lokal na wika.

Pagpapayapa at Kristiyanismo

Nakita ng mga prayleng Pransiskano na yumapak sa Bikol peninsula na ang mga pamayanan doon ay mahusay na lugar upang ipakalat ang ebanghelyo. Habang lumalaganap ang ebanghelyo sa lugar, ang Iraga ay umunlad sa yaman at lawak ng nasasakupan. Sa lalong madaling panahon sa gayon, ang pundasyon ay nailatag upang hirangin itong isang visita ng Nabua. Parami ng paraming mga tao ang dumating mula sa Nabua at sa Iraga nanirahan.

Habang lumalaki ang populasyon at lumalaganap ang ebanghelyo, ang mga pamayanan sa paa ng Bundok ng Sumagang lumaki at lumago, dahan-dahan naitutulak ang mga katutubong Agta pataas sa mga gubat ng kabundukan. Noong taong 1578 isang simbahan na gawa sa kahoy ang itinayo. Si San Antonio de Padua ang patron ng parokya at sina Padre Pedro de Jesus at Padre Bartolome Ruiz ang naggsilbi bilang mga Kura Paroko. Noong 1583, limang taon matapos itinayo ang simbahan, Sinunog ng mga mandirigmang Agta ang simbahan. Isa pang simbahan ang itinayo ngunit ito rin ay nagiba ng isang malakas na bagyo at muling nasunog.

Noong 4 Enero 1641, pumutok ang bulkang Sumagang na lumikha ng kanal sa bayan ng Buhi at ng isang matarik na bangin na dating bunganga ng bulkan. Ayon sa kuwento, ang Nuestra Senora de Angustia ay lumitaw sa Inorogan himalang nailigtas ang mga Irigueño sa isang kahila-hilakbot na pangyayari.

Noong 1682, nang ang populasyon ng I-raga ay 8,909, ito ay ginawang Pueblo de la Provincia de Ambos Camarines. At sa paglaon ay binago ang pangalan nito. Mula sa I-raga ito ay ginawang Iriga. Noong 1710 binalangkas ni Don Bonifacio de los Angeles ang unang apat na baryo ng Iriga -ang San Agustin, San Isidro, San Nicolas at San Antonio Abad.

Noong 1727, matapos mawasak ang ikalawang kapilya, isang bagong simbahan ang binuo, sa kasamaang-palad ito ay nawasak muli sa isang sunog noong 1841. Sa huli, di-kalaunan matapos ang matupok ang ikatlong simbahan, pinangunahan ni Padre Tomas de Alfafara pagpapatayo ng isang bagong simbahan ng parokya kasama ang dalawang kampanaryo na gawa sa tisa at mga bato. Ito muling inayos noong 1866, at sa taong 1892 ang kampanaryo ay itinayong muli na gawa sa kahoy at mga bakal.

Sa taong 1823, ipinapakita sa Memorias de la Provincia de Ambos Camarines na ang bilang ng mga Barangay sa "pueblo de Iriga" ay binubuo ng San Roque, San Francisco de Asis, San Juan Bautista, Sto. Domingo de Guzman, San Miguel Arcangel, San Nicolas de Tolentino, San Agustin, San Antonio Abad, Sto. Nino at Santiago de Galicia na may populasyong 13,813. Mayroon lamang apat na daanang nababanggit at ang nga ito mula sa Nabua, papunta sa Bato, sa Buhi at sa Polangui, Albay at may isa lamang paraan ng pagpunta sa Nueva Caceres (Naga) ito ay sa pamamagitan ng Bicol River sa pamamagitan ng bangka.

Masalimuot na panahon

Noong 1846, sa panahon ng termino ni Don Juan Lomaad, isang malalang taggutom ang tumama sa Bikol. Ang presyo ng bigas ay tumaas. Ipinag-utos ng gobyerno ng kastila sa mga tao na magtanim ng mas maraming pangunahing pagkain ngunit ito ay hindi naging sapat upang maibsan ang taggutom na kumitil ng maraming buhay.

Mahigit isang dekada ang lumipas, noong 1857, tumama ang epidemyang kolera sa lugar na naging sanhi ng kamatayan ng libu-libong mga naninirahan. At parang hindi pa ito sapat, isang lindol ang tumama sa Iriga na sumira sa simbahan at iba pang gusali at kabahayan. Noong 1871, sa panahon ng termino ni Don Lucas Caayao, isang bagong epidemya, ngayon naman ay bulutong, ang kumitil ng maraming buhay. Bukod dito sinira ng mga balang ang pananim sa Iriga na naging sanhi na naman ng taggutom sa mamamayan.

Isang papausbong na munisipyo

Noong 1901, bilang bahagi ng diskarte ng mga Amerikanong kolonyalista na magpatahimik at maakit ang mga Pilipino, ang unang pampublikong paaralan sa Iriga, ang Paaralang Sentral ng Iriga, ay itinatag. Noong 1913 ang Manila Railroad Company Station at ang pampublikong pamilihan ay itinatag sa kanyang kasalukuyang lugar. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga estasyon ng tren at ng pampublikong pamilihan, mabilis na lumago at naging sentro ng kalakalan at komersyo ang Iriga sa distrito ng Rinconada.

Ang unang pampasaherong kompanya ng bus sa Pilipinas

Ang pag-unlad ng bayan lalong sumigla noong itinatag ni Albert B. Ammen, isang dating sundalong amerikano, ang A.L. Ammen Transport Co., Inc.(ALATCO) noong Hulyo 1914. Ang ALATCO, na noong una ay mayroon lamang isang Grawbosky Truck na may makinang dalawa ang piston, ang unang kompanya ng bus sa Pilipinas.

Ang unang ruta nito ay Iriga-Naga, gayunpaman, nang naging matagumpay ay pinalawak ng kompanya ang operasyon nito upang serbisyuhan ang iba pang mga bayan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon na siyang nagbukas ng mga liblib na mga nayon ng Bikol sa pag-unlad na pang-ekonomiya at panlipunan.

Noon namang 1918, Itinatag ni Max L. Blouse, isa sa mga driver ng ALATCO, ang kanyang sariling kompanya ng transportasyon, ang Batangas, Laguna, Tayabas Bus Company o BLTB.

Panahon ng Ikalwang Digmaang Pandaigdig

Ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay panandaliang natapos nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1942. Ang Hukbo ng Imperyo ng Hapon ay nagtatag ng isang garrison sa Burol ng Kalbaryo kung saan tanaw ang buong lungsod. Ang Iriga Central School ay naging isang kampo ng mga bihag sa digmaan; ang mga bihag na wala nang lugar doon ay dinala sa Ateneo de Naga.

Tulad sa maraming iba pang mga lugar, nagsulputan sa Iriga ang mga bikolanong tropang gerilya matapos ang pormal na paglaban ng mga Amerikano at Pilipinong sa mga mananakop na hapones. Ang bundok ng Iriga ang naging himpilan ng paglaban na umakit sa iba pa na sumapi hindi lamang mula sa Iriga kundi maging sa Albay. Sa tulong ng Agta na pamilyar sa bawat sulok ng bundok ay hindi nakapasok ang mga hapon sa kalooblooban ng bundok.

Bilang isang lungsod

Sa pagtatapos ng pananakop ng Hapon noong 15 Mayo 1945, ang pwersa ng mga Hapon ay sumuko sa mga tropa ng Philippine Commonwealth at Bicolanong gerilya sa Iriga. Ang Iriga Central School ay muling binuksan. Noong 1948, ang unang kolehiyo sa Lungsod ng Iriga, ang Mabini Memorial College (ngayon ay University of Northeastern Philippines o UNEP) ay itinatag ni Atty. Felix O. Alfelor. Makalipas ang isang taon, itinatag din Dr.Santiago G. Ortega ang Saint Anthony College (ngayon ay University of Saint Anthony o USANT).

Ang pagtatatag ng mga paaralang ito para sa mas mataas na pag-aaral, kasama ang La Consolacion Academy ay nakatulong sa paglago at pag-unlad ng bayan dahil na rin sa mga mag-aaral na dumayo dito mula sa lahat ng dako ng rehiyon.

Noong 1960s, Ang Iriga ay dumanas ng katakut-takot na pag-unlad sa ekonomiya at lipunan. At noong Huly0 8, 1968, ang munisipyo ay ginawang isang lungsod sa pamamagitan ng Republic Act 5261. Gayunman, noon lamang Setyembre 3 ng pareho ding taon na ang lungsod ay pormal na itinatag bilang ikatlong lungsod ng Rehiyon ng Bikol ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Iriga ay nahahati sa 36 na mga barangay.

  • Antipolo
  • Cristo Rey
  • Del Rosario (Banao)
  • Francia
  • La Anunciacion
  • La Medalla
  • La Purisima
  • La Trinidad
  • Niño Jesus
  • Perpetual Help
  • Sagrada
  • Salvacion
  • San Agustin
  • San Andres
  • San Antonio
  • San Francisco (Pob.)
  • San Isidro
  • San Jose
  • San Juan
  • San Miguel
  • San Nicolas
  • San Pedro
  • San Rafael
  • San Ramon
  • San Roque (Pob.)
  • San Vicente Norte
  • San Vicente Sur
  • Santa Cruz Norte
  • Santa Cruz Sur
  • Santa Elena
  • Santa Isabel
  • Santa Maria
  • Santa Teresita
  • Santiago
  • Santo Domingo
  • Santo Niño

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Iriga
TaonPop.±% p.a.
1903 19,297—    
1918 24,145+1.51%
1939 31,005+1.20%
1948 42,049+3.44%
1960 75,439+4.99%
1970 77,382+0.25%
1975 75,885−0.39%
1980 66,113−2.72%
1990 74,269+1.17%
1995 82,482+1.98%
2000 88,893+1.62%
2007 97,983+1.35%
2010 105,919+2.87%
2015 111,757+1.03%
2020 114,457+0.47%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

  1. "Province: Camarines Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. Census of Population (2015). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region V (Bicol Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Camarines Sur". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga kawing panlabas