Ang Dipolog, opisyal na Lungsod ng Dipolog (pagbigkas: di•pó•log; Sebwano: Dakbayan sa Dipolog) ay isang lungsod at siya ring kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 138,141 sa may 33,154 na kabahayan.
Kasaysayan
Pinasinayaan ang Dipolog bilang isang ganap na bayan ng gobernador ng Lalawigang MoroJohn Pershing noong Hulyo 1, 1913, matapos maipatayô ang gusaling magsisilbing munisipyo ng naturang bayan. Itinalaga rin ni Pershing ang kauna-unahang alkalde ng bayan na si Pascual Martinez.
Sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inilipat ng tubong-Dipolog na Gobernador ng Zamboanga na si Matias Ranillo ang kabisera ng lalawigan ng Zamboanga mula Lungsod ng Zamboanga papuntang Dipolog.[3] Nang masakop na ng puwersang Hapones ang kabayanan ng Dipolog, inilikas palayô ng kabayanan ang pamahalaang lalawigan patungo sa barrio ng Polanco.[4] Noong Agosto 22, 1951, hinawalay sa Dipolog ang nasabi at ilan pang barrio upang maging hiwalay na mga bayan ng Polanco at Piñan.[5]
Noong Enero 1, 1970, sa bisa ng Batas Republika 5520 naging lungsod ang bayan ng Dipolog.[6]
Pamahalaan
Ang sistema ng pamahalaan ng Dipolog ay gaya ng iba pang pamahalaang lokal sa Pilipinas alinsunod sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal. Bilang isang nakapaloob na lungsod ang mga ordinansang ipinapasá ng pamahalaang lungsod ay isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte upang masuri kung ito'y tumatalima sa angkop nitong kapangyarihan.
Tagapagpaganap
Ang alkalde o punong-bayan ang siyang nasisilbing punong tagapagpaganap ng lungsod.
Tagapagbatas
Binubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Dipolog ng sampung regular na konsehal na halal at dalawang ex-officiong konsehal. Samantalang nagsisilbing tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod ang bise-alkalde na siyang humahalili kapag nabakante ang posisyon ng alkalde.
Mga Barangay
Nahahati sa 21 barangay ang Dipolog, ang lima rito—Barra, Biasong, Central, Estaka, at Miputak—ay sakop ng poblacion .
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑"Province of Zamboanga del Norte". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.