Ang Lungsod ng San Fernando, (Kapampangan: Lakanbalen ning San Fernando, Ingles: City of San Fernando) ay isang lungsod sa probinsiya ng Pampanga. Ito ang kabiserang lungsod ng Pampanga at ang sentrong panrehiyon ng Gitnang Luzon (Rehiyon III). Ang lungsod ay kilala sa mga parol nito at binansagang "Christmas Capital of the Philippines" (Kabiserang Pangkapaskuhan ng Pilipinas). Ang taunang Giant Lantern Festival (Pista ng mga Higanteng Parol) ay isinasagawa ng lungsod tuwing Disyembre.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 354,666 sa may 86,217 na kabahayan. Ito ay may layong 67 kilometro mula sa Maynila, 50 kilometro mula sa Look ng Subic sa probinsiya ng Zambales at 16 na kilometro mula sa Paliparang Clark sa Lungsod ng Angeles. Ang lungsod ay nasa gitna ng mga sanga-sangang kalsada sa Gitnang Luzon. Ang lungsod ay ipinangalan kay Fernando VI ng Espanya at inilagay sa pangangalaga ni San Fernando, Hari ng Castile at Leon, kung saan ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 30.
Noong 6 Enero 1997, si Alkalde Rey B. Aquino at Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpasimula ng kampanya para sa pagkalungsod. Noong Abril 27 ng taong ding iyon, si Rep. Oscar Rodriguez ay naghain ng House Bill blg. 9267 na gagawa ng Lungsod ng San Fernando.
Noong 2000, pinirmahan nina Ispiker ng Mababang Kapulungan Arnulfo Fuentebella at Pangulo ng Senado Aquilino Q. Pimintel ang tsarter ng lungsod ng San Fernando noong Disyembre 4 at 13.
Ang bayan ay opisyal na naging lungsod na komponente noong 4 Pebrero 2001 matapos ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 na nilikha ni Rep. Oscar Rodriguez sa isang plebisito noong nakaraang araw. Si Dr. Rey B. Aquino ang naging unang alkalde ng lungsod. Ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 ang naging daan upang maging ika-99 na lungsod ng Pilipinas ang San Fernando.
Mga barangay
Ang Lungsod ng San Fernando ay nahahati sa 35 barangay.
Alasas
Baliti
Bulaon
Calulut
Dela Paz Norte
Dela Paz Sur
Del Carmen
Del Pilar
Del Rosario
Dolores
Juliana
Lara
Lourdes
Magliman
Maimpis
Malino
Malpitic
Pandaras
Panipuan
Pulung Bulo
Santo Rosario (Pob.)
Quebiauan
Saguin
San Agustin
San Felipe
San Isidro
San Jose
San Juan
San Nicolas
San Pedro
Santa Lucia
Santa Teresita
Santo Niño
Sindalan
Telabastagan
Ekonomiya
Matatagpuan sa puso ng probinsiya, ang Lungsod ng San Fernando ay may 2 pampublikong palengke, 39 na bangko, 48 na imbestor, 38 na sanglaan, 17 gasolinahan, 3 sinehan, 29 pribado at pampublikong paaralan, 7 ospital, 13 opisinang pandentista, 9 na otel, 28 na tindahan ng mga gamot, 7 disco, 6 na palitan ng pera, 15 pabrika ng damit, 24 na groseri, 7 supermarket, 42 kompanya ng insurance, 16 ahente ng seguridad, 70 restorant at fast food chains. Bukod sa pagiging kabisera ng Pampanga, halos lahat ng Pilipinong bankong institusyon, militar at mga ahensiya ng gobyerno ay may opisinang panrehiyon sa lungsod.
↑Henares, Ivan Anthony S. "A Brief History of San Fernando, Pampanga 1754-2004"
↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)