Ang Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinaka-maunlad na pook sa lalawigan ng Kanlurang Negros. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 600,783 sa may 142,936 na kabahayan. Ang lungsod ay kilala para sa pista ng MassKara na nangyayari sa Oktubre at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the Philippines". Ang Bacolod ay bago lang nanguna sa survey ng MoneySense Magazine bilang pinaka-magandang lugar na tirahan.[3]
Hiligaynon (Ilonggo) ang pangunahing salita na ginagamit sa Bacolod.
Ang pangunahing kalakal ng pulo ng Negros ay asukal, kung saan ang pinakamalaking kompanya ng tagagawa ng asukal, ang Victorias Milling Company ay naroroon. Ang Bacolod ang sentro ng kalakal sa pagpapaluwas ng asukal galing sa pulo patungo sa iba't ibang bahagi ng kapuluan at sa pagluwas sa ibang bansa.
Kasaysayan
Ang pangalan ng lungsod ay galing sa salitang Hiligaynon na "Bacolod" na ibig sabihin ay burol o punso. Ito ang naging tawag sa lugar dahil ito'y itinatag sa mabatong burol na ngayon ay ang distrikto ng Granada.
Dahil sa mga pananakop ng mga Muslim, inilipat ang lugar sa tabing-dagat. Ang lugar ay tinawag na Da-an Banwa na ibig sabihin na "Lumang Lugar"
Noong 1894 sa utos ni Gobernador General Claveria ang Bacolod ay naging kabisera ng Kanlurang Negros. Si Bernardino de los Santos ay naging unang Gobernadorcillo at si Julian Gonzaga bilang unang Pari.
↑
Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)