Tinatawag ang mga mamamayan ng Marawi na mga Maranao at nagsasalita ng Wikang Maranao. Hinango ang kanilang pangalan mula sa Lawa ng Lanao, na tinatawag na Meranau sa kanilang wika, kung saang nasa dalampasigan nito ang Marawi. Kilala rin ang lungsod bilang "Kabiserang Pantag-init ng Katimugan" dahil sa mas-mataas na elebasyon nito at mas-malamig na klima.[5] May gayon ding palayaw ang Malaybalay na opisyal na humahawak ng titulong ito. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 207,010 sa may 30,839 na kabahayan. Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas ang Marawi ang (kapitolyo) ng BangsaMoro.
Noong Mayo 23, 2017, nakaranas ng malawakang pinsala ang lungsod sa kasagsagan ng Labanan sa Marawi, kung saang sumalakay sa lungsod at nakidigma ang mga militanteng kaanib ng Islamikong Estado ng Irak at Levant. Tumagal ang sumunod na labanan hanggang Oktubre 23, 2017 nang inihayag ni Kalihim Delfin Lorenzana ng DND ang pagtatapos ng labanan. Ang pangunahing pinsala sa lungsod ay karamihang sanhi ng mga pagbomba mula sa himpapawid na isinagawa ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas habang sinusubukang palayasin ang mga militante.
Heograpiya
May kabuuang sukat na 8,755 ektarya (21,630 akre).[2] ang Lungsod ng Marawi. Matatagpuan ito sa dalampasigan ng Lawa ng Lanao. Naghahanggan ito sa hilaga sa bayan ng Kapai at Saguiaran; at sa timog ng Lawa ng Lanao; sa bayan ng Bubong at Ditsaan-Ramain; sa silangan, at sa mga bayan ng Marantao at Saguiaran.
Topograpiya
Mga bundok, burol, lambak, at ang malawak na lawa ang bumubuo sa tanawin ng lungsod.
Mga Barangay
Ang Lungsod ng Marawi ay nahahati sa 96 na mga barangay.
↑"Marawi City is a Component City". Philippine Information Agency, Government of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2019. Nakuha noong 15 February 2019.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.