Ang Caloocan (pagbigkas: ka•lo•ó•kan), o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan, ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 1,661,584 sa may 404,252 na kabahayan.
Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo'y itinatatag na Lungsod Quezon.[3]
Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng lungsod ng Malabon at lungsod ng Valenzuela sa hilaga, lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Caloocan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng Lungsod Quezon, at timog ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Pangalan
Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar." Kolokyal na binabaybay ang pangalan ng lungsod bilang Kalookan.
May magkakaibang kagustuhan ukol sa nais na baybay ng pangalan ng lungsod. Ang kaibhan at ang tilang kalituhan sa pagbaybay ay nagsimula noong unang bahagi ng dekada-1970, nang ipinasa ng lupong munisipal ang isang resolusyon na nag-uutos sa mga kagawarang panlungsod na gumamit ng pangalang "Kalookan." Ngunit naantala ang pagpapatupad ng resolusyon nang isinailalim ang bansa sa batas militar noong Setyembre 1972. Pagkaraang ibinalik ang mga sangguniang panlungsod at pambayan, inihain ni noo'y Konsehal na si Aurora Asistio-Henson ang Resolusyon Blg. 006 na nagbabago sa naunang resolusyon at itinataguyod ang nasyonalismong Filipino sa pamamagitan ng pag-uutos sa lahat ng mga residente at mga tanggapan at establisimiyento ng lungsod - "pampubliko man o pampribado" - na ibaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Kalookan." Ayon kay Henson, ang "naka-Filipinong baybay" ay nagbibigay ng diwa at kahulugan sa kasaysayan ng lungsod. Dagdag niya, dapat itong gamitin "sa gusaling panlungsod, sa mga gusaling pambarangay, mga palengke, at ibang mga lugar para sa kabatiran at paggabay sa lahat na sangkot." Gayunpaman, mariing kinondena ito ng mga residente, may-ari ng mga negosyo, at opisyal. Tinuring na iligal ni Virgilio Robles, dating mambabatas at alkalde ng lungsod, ang hakbang dahil wala itong pagsang-ayon ng Kongreso. Dagdag niya na binaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Caloocan" tulad ng ipinakikita ng karta ng lungsod (city charter). Ang pagkalahatang kagustuhan sa pagbaybay ng pangalan sa mismong lungsod ay "Caloocan" at hindi "Kalookan," sa kabila ng umiiral na ordinansang panlungsod, bagamat humantong ang kalituhan sa iba't-ibang mga pagbaybay ng pangalan sa maraming mga negosyo sa lungsod. Nakabaybay na "Caloocan" ang pangalan ng lungsod sa opisyal na sagisag, at pabor ang gayong pagbaybay sa maraming mga barangays at mga paaralang pampubliko at pampribado sa lungsod. Ang "Kalookan" ay nais na baybay ng Directories of the Philippines Corporation (DPC) na nakahimpil sa Makati, habang pabor naman sa baybay na "Caloocan" ang maraming mga pahayagang pambansa at magasin, pati mga gumagawa ng mapa tulad ng HYDN Publishing na nakahimpil sa Mandaluyong.[4][5]
Llano (Llano Road, PLC Subdivision, Silanganan Subdivision, Sunriser Village, Sagrado Village, Dolmar Golden Hills Subdivision, Miranda Subdivision, Whispering Palms Subdivision)
↑"About Us" (sa wikang Ingles). Lungsod ng Caloocan. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2015. Nakuha noong Oktubre 4, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)