Ang Lungsod ng Olongapo ay isang lungsod sa lalawigan ng Zambales, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 260,317 sa may 66,450 na kabahayan.
Etimolohiya
Sabi sa isang alamat, may isang dating tribu ng mga katutubo na naninirahan sa ngayon ay modernong siyudad. Mayroon isang matanda na tinatawag na "Apo". Siya ay kinalulugdan ng lahat ng tao sa baryo na pinanggalingan niya, nais niyang pag-isahin ang naturang tribu. Ngunit, ang mga karatig-bayan nila ay naiinggit sa Apo kaya noong isang araw, ay biglang nawala ang matanda.
Matapos ang mahabang paghahanap, ay natagpuan ang katawan ng Apo, subalit ang ulo ng naturang matanda (Apo) ay nawawala. Ayon sa Sambal ang pagpugot ng ulo nito ay isinagawa upang matigil ang balakin ng "Apo".
Natagpuan ang ulo ng matanda na nakatusok sa ituktok ng isang kawayan. Ipinagsigawan ng nakakita ang "Olo nin apo!" (Ang ulo ng Apo). Simula noon ay tinawag nilang "Ulo ng Apo" ang lugar na ito na sa katagalan ay naging Olongapo.
Mga Barangay
Ang Lungsod ng Olongapo ay nahahati sa 17 mga barangay.
↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)