Ang Lungsod ng Las Piñas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential) ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 606,293 sa may 156,899 na kabahayan.
Mga barangay
Ang Las Pinas ay nahahati sa 20 barangay:
Unang Distrito
Daniel Fajardo
Elias Aldana
Ilaya
Manuyo Uno
Manuyo Dos
Zapote
CAA-B.F. International
Pulanglupa Uno
Pulanglupa Dos
Pamplona Uno
Pamplona Tres
Pangalawang Distrito
Almanza Uno
Almanza Dos
Pamplona Dos
Pilar Village
Talon Uno
Talon Dos
Talon Tres
Talon Cuatro
Talon Singko
Etimolohiya
Ang kuwento tungkol sa tunay na pinagmulan ng pangalan ng lungsod na "Las Piñas" ay may iba't ibang bersyon. Ayon sa isang kuwento, ang mga mangangalakal mula sa lalawigan ng Cavite at Batangas ay unang nagdala ng kanilang mga piña (Salitang Kastila para sa pinya) upang ibenta sa bayang ito bago ito ipamahagi sa mga kalapit na pamilihan.[3]
Samantala, isa pang bersyon ang nagsasabi na ang pangalan ay nagmula sa salitang "Las Peñas" (ang mga bato), na makikita sa pagkuha ng mga bato at adobe na ginamit sa pagtatayo ng mga gusali at tulay.
Ang lumang kampana mula sa Simbahan ng Parokya ng San Jose na itinatag ni Padre Diego Cera ay nananatiling nakapreserba sa museo ng simbahan. May nakasulat sa kampana na:
"Siendo cura del pueblo de Laspeñas el M.R.P. Padre Diego Cera se fundió este equilón año de 1820,"
na nagpapakita na noong panahon pa ni Padre Diego Cera, ang unang kura paroko ng bayan, ang lugar ay tinawag na "Las Peñas" sa ilang panahon at kalaunan ay pinalitan ng pangalang "Las Piñas."
↑
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)