Ang Lungsod ng Imus ay ang opisyal na itinalagang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Kabite, sa Pilipinas. Opisyal na ginawang lungsod kasunod ng isang reperendum noong 30 Hunyo 2012. Ayon sa kita ng lokal na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating bayan ay nauri bilang isang unang klaseng bahaging lungsod ng Kabite.[3] Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 496,794 sa may 130,814 na kabahayan.
Matatagpuan sa tinatayang 19 km (12 mi) mula sa Kalakhang Maynila, ito ang naging pook ng dalawang pangunahing pagkapanalo ng mga Katipunero noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang Labanan ng Imus na naganap noong 3 Setyembre 1896, at ang Labanan ng Alapan, noong 28 Mayo 1898, ang araw kung kailan unang ginamit ang watawat ng Pilipinas, na naging dahilan upang itanghal ang Imus bilang "Kabisera ng Watawat ng Pilipinas". Ang dalawang kaganapan ay ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod.
Sentro ng relihiyon sa lalawigan ng Kabite ang lungsod sapagkat sa lungsod matatagpuan ang Diyosesis ng Imus, ang Diyosesis na may hawak sa lahat ng mga simbahan sa lalawigan ng Kabite.
Pinagmulan ng Salitang Imus
Ang pinagmulan ng pangalan ng Lunsod ng Imus ay may 4 na salin.
Ang unang salin ay nanaggaling ang pangalang "Imus" ay mula sa Tagalog na nakakahulugan sa lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog. Pinagbasihan ito sa lumang lokasyon ng simbahan na nasa Toclong kung saan napapagitnaan ng Ilog ng Imus at Ilog Julian.
Heograpiya
Pisikal na katangian
May kabuuang sukat na sakop ang Imus na 6,470 ha (16,000 akre) o 64.70 km2 (24.98 mi kuw), tinatayang nasa 6.8% ng kabuuang lupa ng lalawigan ng Kabite.[2][4][5] Naghahanggan ang lungsod sa mga bayan ng Kawit at Noveleta sa hilaga, sa General Trias sa kanluran; sa lungsod ng Bacoor sa silangan at sa lungsod ng Dasmariñas sa timog.[6]
Pagkakahating Pampolitika
Nahahati sa kasalukuyan ang lungsod ng Imus sa 97 mga barangay. Noong 1998, ang bayan ay binubuo ng 21 mga barangay na lumaon ay hinati at naging kasalukuyang 97.
↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)