Ang Lungsod ng Dasmariñas (kadalasang pinaiikling Dasma) ay isang unang klaseng bayan na naging isang ganap na lungsod na nasa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa layong 30 kilometro timog ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 703,141 sa may 171,618 na kabahayan. Ito ang pinakamaraming tao sa Cavite. Ito ay sukat na 90.1 kilometro parisukat.
Naging lungsod ang Dasmarinas sa pamamagitan ng Republic Act 9723 na pinagkaloob ng pangulo noong 15 Oktubre 2009 at pinagtibay na naganap na plebisito noong nakaraang 26 Nobyembre 2009.
Mamamayan at Kultura
Relihiyon
Karamihan sa mga mamamayan ng lungsod ng Dasmariñas ay manananalig ng Katolikong Romano. Subalit may mabilis ding bilang ng paglaki ng mga paniniwalang Protestante at iba pang sekta ng Kristiyano. May ilan ilan ding mga mananampalataya ng Islam.
Kasaysayan
Ang pinagmulang ng pangalan "Dasmariñas" ay si Gómez Pérez de Dasmariñas, isang Kastilang Gubernador sa Pilipinas noong 1590 hanggang 1593. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang anak na si Luis Pérez das Mariñas ay naging gubernador mula 1593 hanggang 1596. Si Pérez de Dasmariñas ay nanggaling sa San Miguel das Negradas, Galicia (Espanya).
Mga barangay
Ang Dasmariñas ay nahahati sa 74 na barangay.populasyon nito
↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)