Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang artikulo na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
Ang lalawigan ng Maguindanao ay nahahati sa 36 mga bayan, na nahahati sa 506 na barangay. Karaniwang sinasama sa Maguindanao ang Lungsod ng Cotabato, ngunit malaya ito sa lalawigan.
May dalawang distritong pambatas ang Maguindanao. Dating kinilala bilang hiwalay na lalawigan ang unang distrito, na isinabatas ng Batasang Panrehiyon ng Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao bilang Shariff Kabunsuan noong Oktubre 2006. Ngunit ipinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang paglikha ng lalawigang ito noong Hulyo 2008, sa batayang nasa kapangyarigan ng lehislatura ng Pilipinas ang paglikha ng isang lalawigan. Binalik ang dating teritoryo ng lalawigan sa Maguindanao.
† Kabiserang bayan
Bayan
∗∗ Malayang nakapaloob na lungsod (heograpikong nakapangkat sa lalawigan lamang)
(Ang nakapahilis na mga tugmaang pampook ay tumutukoy sa henerikong kinaroroonan. Sa ibang banda, tumatanda ito sa kabayanan ng bayan o lungsod).
^ Hindi kasama ang pangkabuoang mga datos ang malayang nakapaloob na lungsod ng Cotabato, na heograpiko at nakagisang ituring na nasa loob ng lalawigan.
^ Ang kabuoang kapal ng populasyon at lawak (suma ng lahat ng bahaging mga bayan: 10,190.14 km2 or 1,019,014 ha) ay hindi pinal sapagkat hindi ito umaayon sa mga datos na binibigay ng websayt ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao (5,970.53 km2 or 597,052.79 ha),[6] gayon din sa mismong Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (9,729.04 km2 or 972,904 ha).[7]
^ Ang Lungsod ng Cotabato, na heograpiko at nakagisnang ituring na bahagi ng lalawigan, ay malaya mula sa lalawigan at hindi humahalal ng mga opisyal ng lalawigan. Tanging mga boto kasama ang Maguindanao para sa representasyon sa iba't-ibang pambansang mga lehislatura.
Ang mga gitling (—) sa mga cell ay tumutukoy sa hindi pa makukuhang impormasyon.
Nasaksihan ng lalawigan ang kamakailang pagtatag ng bagong mga bayan, lalo na noong dekada-2000. Winika ng noo'y kalihim ng Batasang Kapulungan ng ARMM na si Dick Mali na makatutulong ang gayong mga pagtatag sa “pagbabahagi at pagkalat ng mga gawain at yaman” at makabibigay sa mga tao ng “mas-matalab na pampublikong paglilingkod at pamamahala mula sa kanilang pampublikong mga opisyal.” Subalit ayon kay Benedicto Bacani ng Surian ng Autonomiya at Pamamahala sa Pamantasang Notre Dame, ang gayong mga hakbang ay mga pamamaraan upang maiwasan ang posibleng mga sigalot sa pagitan ng mga pamilyang pampolitika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga yunit ng lokal na pamahalaan kung saang magkakaroon sila ng mga puwesto sa pamahalaan.[8]
Ipinapanukalang paghahati ng lalawigan
Inihain ni dating Kinatawan Bai Sandra Sema (na pinagbawalan na tumakbo para sa isa pang termino sa kaniyang kasalukuyang distrito sa taong 2019 sang-ayon sa batas) ang Panukalang Batas Bkg. 5185 sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Marso 2, 2017. Nilayon nitong makapagtatag ng Maguindanao North, isang bagong lalawigan na binubuo ng 11 bayan at 2 distritong pambatas, kung saang Datu Odin Sinsuat ang magiging kabisera.[9] Kamakailang naghain ang pumalit sa kaniyang si Kinatawan Datu Roonie Sinsuat, Sr. ng isang bagong panukalang batas na naglalayog magtatag ng parehong lalawigan, pero tatawagin na itong Kanluraning Maguindanao (Western Maguindanao).
↑"Brief Profile". Provincial Government of Maguindanao. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 April 2015. Nakuha noong 15 April 2016. Land Area; Maguindanao has a total land area of 597,052.79 hectares.