Itinalaga bilang Rehiyon IX, binubuo ng tatlong lalawigan ang Tangway ng Zamboanga. Ang mga ito ay Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay. Ang rehiyon ng Tangway ng Zamboanga at dating tinatawag na Kanlurang Mindanao (Western Mindanao) bago isinabatas ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 36 noong 19 Setyembre 2001.
Mayroong limang lungsod ang Tangway ng Zamboanga: Dipolog, Dapitan, Ipil at Pagadian. Sa katunayan, ang Isabela ay bahagi ng lalawigan ng Basilan sa timog ng tangway, at kabisera ng lalawigang iyon. Pinili ng mga mamamayan ng Basilan na sumama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa isang plebisito. Ngunit hindi pinili ng mga mamamayan ng Isabela na sumama sa ARMM kaya ang lungsod ay naging bahagi ng rehiyon ng Tangway ng Zamboanga nang isinabatas ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 36.
Ang tangway
Ang Tangway ng Zamboanga ay binubuo ng teritoryo ng tatlong lalawigan ng Zamboanga kasama ang Misamis Occidental. Nakadugtong ang tangway sa panguahing bahagi ng Mindanao sa isang dalahikan na matatagpuan sa pagitan ng Look ng Panquil at Look ng Pagadian. Ang hangganan ng tangway at ng mainland ay artipisyal na minamarkahan ng hangganan sa pagitan ng Zamboanga del Sur at Lanao del Norte.
Matatagpuan ang Tangway ng Zamboanga sa pagitan ng Golpo ng Moro, bahagi ng Dagat Celebes, at ng Dagat Sulu. Maraming look at pulo ang matatagpuan sa babybayin ng tangway.
Demograpiya
Ang mga Zamboangueño ay mga inapo ng mga bilanggong cristiano na ikinonvert ng mga Kastila at para tumulong sa pakikidigma laban sa mga Muslim para idepensa ang garison ng mga Kastila na base sa "Fort Pilar", sa syudad mismo ng Zamboanga.
Ang mga kristyanong ito ay may halong dugo na galing sa tribo ng mga; Subanon (Lumad/katutubo ng Mindanao), Visayan o etniko ng mga Bisaya (Cebuano at Ilonggo), Ilokano, Intsik, Moro at dugong Kastila. sa kadahilanan ng pagkaroon ng "inter-marriage" sa tribong ito, ay nagbunga ang tinatawag na, "tribong Zamboangueño" kasabay narin ang kanilang wika.
Ang tribong Zamboangueno ay matatagpuan din sa mga lugar tulad ng at sa loob ng Tangway ng Zamboanga, Isabela (Basilan), Lamitan (Basilan), Cotabato, Davao at sa iba pang bahagi o parte ng Pilipinas.
Mga lalawigan
Ang Tangway ng Zamboanga ay binubuo ng 3 mga lalawigan, 1 mataas na urbanisadongmga lungsod, 4 nakapaloob na mga lungsod, 67 mga bayan, at 1,904 mga barangay.
↑"List of Provinces". PSGC Interactive. Makati, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Hulyo 15, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)