Bagaman ang Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Mandaue, at Lungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ng Cebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang mga mataas na urbanisadong lungsod sila ay nagsasarili at hindi pinapamahalaan ng lalawigan ng Cebu.
Ayon sa pinakahuling senso noong 2015, umabot sa 7 milyon ang populasyon ng Gitnang Kabisayaan. Ang Rehiyon VII ang ikalimang pinakamataong rehiyon ng Pilipinas.
Ang Sebwano ang pinakalaganap na wika sa rehiyon. Nakakaintindi rin ang nakakarami ng Tagalog, Ingles.
Transportasyon
Pandagat
Dahil nahihiwalay ng dagat ang mga lalawigan sa rehiyon, isang malaking industriya sa rehiyon ang transportasyong pandagat. Ang Pantalan ng Cebu ang pangunahing daungan sa rehiyon na siya ring pinakamalaking daungan sa buong Kabisayaan. May mga biyahe rito papunta sa iba't ibang parte ng Kabisayaan, Mindanao at Luzon. Mayroon ring mga daungan sa ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Marami ring daungan sa Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Ilan dito ang mga pantalan ng Dumaguete, Tagbilaran at Larena.
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VII (Central Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)