Paliparang Pandaigdig ng Kalibo

Paliparang Pandaigdig ng Kalibo
Buod
Uri ng paliparanPampubliko
NagpapatakboPangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas
PinagsisilbihanKalibo, Aklan
Elebasyon AMSL4 m / 14 tal
Mga koordinado11°40′45.95″N 122°22′34.66″E / 11.6794306°N 122.3762944°E / 11.6794306; 122.3762944
Mga patakbuhan
Direksyon Haba Ibabaw
m tal
05/23 2,187 7,175 Kongkreto
Estadistika (2008)
Mga pasahero400,042
Mga kilos ng eroplano4,706
Toneladang metriko ng kargamento1,508
Estadistika mula sa Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas.[1]

Ang Paliparang Pandaigdig ng Kalibo IATA: KLOICAO: RPVK ay isang paliparan sa Kalibo, ang kabisera sa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Itinuturing itong isang paliparang pandaigdig ng Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas, isang pangasiwaan ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon na namamahala sa lahat ng paliparan sa Pilipinas maliban sa mga malalaking paliparang pandaigdig. Ito lamang ang katang-tanging paliparang domestiko na tumatanggap ng mga paglalakbay mula sa ibang bansa noong panahon ng pamamahala ng Tanggapan ng Transportasyong Himpapawid (ATO), bago pinalitan ng CAAP, ang sumunod na ahensiya sa ATO, ang klasipikasyon nito noong 2008.

Sampung minuto lamang ang layo nito mula sa plasa ng Kalibo at ito ay isa sa dalawang paliparang ginagamit patungo ng Boracay. Ang Paliparang Godofredo P. Ramos sa bayan ng Malay, ang ikalawa.

Pagpapalaki

Noong 31 Marso 2008, sinimulan na ang pagpapagawa sa pangalawang terminal ng paliparan. Bahagi ito sa 130-milyong piso halaga ng pagpapalawak na inanunsyo ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007 para maging isa itong istrakturang turismong pandaigdigan. Sa nasabing halaga, 80 milyong piso ang para sa bagong terminal habang 50 milyon ay mula sa Department of Budget and Management para sa pagpapagawa ng isang Instrument Landing System (ILS).[2]

Mga eroplano at pinupuntahan

Domestiko

Pandaigdigan

Mga sanggunian

  1. Volume of Air Passengers and Air Cargo (Air Cargo in Metric Tons) Naka-arkibo 2009-04-22 sa Wayback Machine.. Air Transportation Office, retrieved 21 Abril 2009
  2. Construction of Kalibo Airport ([patay na link]Scholar search), The Manila Bulletin Online, nakuha noong 2008-04-02 {{citation}}: External link in |format= (tulong)
  3. 3.0 3.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-06. Nakuha noong 2009-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) Naka-arkibo 2009-08-06 sa Wayback Machine.
  4. 4.0 4.1 http://www.manilatimes.net/national/2009/aug/03/yehey/opinion/20090803opi3.html[patay na link]

Mga pantungong panlabas