Ang Paliparang Pandaigdig ng Clark[a] (IATA: CRK, ICAO: RPLC), dating tinawag bilang Paliparang Pandaigdig ng Diosdado Macapagal[b] mula 2003 hanggang 2014, ay isang paliparang pandaigdig na matatagpuan sa Clark Freeport Zone na napalilibutan ng mga lungsod ng Angeles at Mabalacat sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. 80 kilometro (50 mi)[6] ito pahilagang-kanluran ng Maynila. Mapupuntahan ito sa pamamagitan ng Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX).
Pinangangasiwaan at pinapatakbo ang paliparan ng Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corp., isang konsorsiyo ng JG Summit Holdings, Filinvest Development Corporation, Philippine Airport Ground Support Solutions (PAGSS) Inc., at Changi Airports Philippines Pte. Ltd.[1][2] Ginagamit ang timog na bahagi ng pasilidad ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas at Baseng Panghimpapawid ng Clark.[7]
Nanomina ang paliparan bilang pinalista ng kategoryang Paliparan ng gawad Prix Versailles 2021[8] ngunit natalo sa Paliparang LaGuardia Terminal B bilang ang pinakamahusay na bagong paliparan noong 2021.[9] Pero kinilala ito bilang isang laureado ng 2023 talaan ng Prix Versailles ng Pinakamagandang Paliparan ng Mundo.[10]
Mga eroplano at mga destinasyon
Pampasahero
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
↑ 2.02.1Orejas, Tonette (Agosto 16, 2019). "Lipad consortium takes over Clark airport" [Konsorsiyong Lipad, ang bagong nagpapatakbo ng paliparang Clark]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 17, 2019.
↑"2007 Annual Report" [Taunang Paulat ng 2007] (PDF). Clark International Airport Official Website (sa wikang Ingles). Clark International Airport Corporation. p. 16. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong Hunyo 2, 2015. Nakuha noong Hunyo 17, 2016.
↑"Remembering CRK's 1st flight 20 years ago, June 16, 1996" [Pag-alala sa unang paglipad ng CRK 20 taon na ang nakakaraan, Hunyo 16, 1996.]. Facebook (sa wikang Ingles). Clark International Airport Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-26. Nakuha noong Hunyo 17, 2016.
↑"Annual Report" [Taunang Paulat]. Clark International Airport Corporation (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 1, 2023.
↑Baluyut, Joelyn (Oktubre 10, 2012). "NAIA flights diverted to Clark" [Mga lipad sa NAIA, inilipat sa Clark]. Philippine Information Agency (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 16, 2013. Nakuha noong Enero 13, 2013.
↑"Clark Air Base" [Baseng Himpapawid ng Clark] (sa wikang Ingles). Philippine Air Force. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 22, 2013. Nakuha noong Disyembre 31, 2012. Bagama't pangunahing inaasikaso ng pasilidad ng himpapawid ang mga paglilipad ng mga sibilyan (binalak itong magpalit sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang pangunahing paliparan ng Kalakhang Maynila), napanatili ang presensiya ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas doon, at kilala pa rin ang bahagi nito bilang Baseng Himpapawid ng Clark noon. (Isinalin mula sa Ingles)