Pusod (paliparan)

Tungkol ito sa pusod na pang-abyasyon, para sa ibang gamit tingnan ang pusod (paglilinaw).

Sa abyasyon, ang pusod ay isang paliparan na ginagamit ng isang kompanyang panghimpapawid (airline) bilang punto ng paglilipat para maihatid ang mga pasahero sa kanilang paroroonan. Bahagi ito ng modelong masa't rayos, kung saan ang mga manlalakbay na kumikilos sa pagitan ng mga paliparang 'di nalilingkod ng mga tuwirang lipad ay lumilipat ng eroplano papunta sa kanilang mga paroroonan. Maraming pusod ng mga kompanyang panghimpapawid ay nakahimpil rin sa mga paliparan ng lungsod ng punong tanggapan nito.

Iilan sa mga kompanyang panghimpapawid ay maaaring gumamit ng nag-iisang pusod, ngunit may ibang mga kompanyang panghimpapawid na gumagamit ng maraming pusod. Ginagamit ang mga pusod para sa mga lipad pampasahero at pang-kargamento. Maraming kompanyang panghimpapawid rin ay gumagamit ng mga lungsod ng tampulan (focus city) na gumagana rin sa patas na kalagayan sa mga pusod, ngunit may mas kaunting bilang ng mga lipad. Maaari ring gumamit ang mga kompanyang panghimpapawid ng mga sekundaryang pusod, isang 'di-teknikal na salita para sa mga malaking lungsod ng tampulan.

Para sa karamihan ng mga kompanyang panghimpapawid, mas tama sa paarang teknikal na gamitin ang salitang punong himpilan (home base) kaysa sa pusod dahil ang nakakarami ng kanilang mga lipad ay pandaigdig at ang sinasabing mga "pusod" ay ang pinakamalaking paliparan sa bansang pinagmulan lamang, tulad ng Paliparang Pandaigdig ng Auckland para sa Air New Zealand, ang Paliparang Suvarnabhumi sa Bangkok para sa Thai Airways International, ang Paliparang Pandaigdig ng Narita para sa Japan Airlines o ang Paliparan ng Singapore Changi para sa Singapore Airlines.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.