Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.[3] Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong tanawin sa lalawigan. Ang Pulo ng Panglao, na matatagpuan sa timog kanluran ng Lungsod ng Tagbilaran, ay tanyag na lugar pansisid at palaging nakatala bilang isa sa sampung pinakamagandang sisiran "diving location" sa buong daigdig. Ang tarsier, ang sinasabing pinakamaliit na unggoy sa buong daigdig, ay matatagpuan sa pulo.
Ito ang lalawigan ng ika-8 pangulo ng Pilipinas, si Carlos P. Garcia, na naging pangulo ng Pilipinas noong (1957–1961), ay isinilang sa Talibon, Bohol.[4]
Heograpiya
Ang pulo ng Bohol ay isang pulong may hugis habilog, na may mga katamtamang taas ng mga bundok. Sa mga bundok ng Bohol matatagpuan ang mga pambihirang mga uri ng halaman at hayop. Binubuo rin ang pulo ng lalawigan ng mga burol. Sa Carmen, Batuan, at Sagbayan matatagpuan ang mga halos perpektong hugis na apang burol na tinatawag bilang Chocolate Hills. Ang Chocolate Hills sa Carmen, Bohol ay sinasabing isa sa mga natural na hiwaga ng Bohol at kadalasang sinasabing Hiyas ng Pilipinas.
Ang Chocolate Hills ng Pilipinas ay tanyag sa kanilang mga brown na burol. Ang mga marilag na burol na ito ay karaniwang natatakpan ng berdeng damo, na nagiging kulay ng tsokolate sa panahon ng tuyong panahon. Ang mga chocolaty at magnanimous na burol na ito ay higit sa isang libo ang bilang at nagkalat sa isang lugar na 50 square kilometros sa mga bayan ng Carmen, Batuan, at Sagbayan. [5]
May mga dalampasigan din sa pulo ng Bohol na puti ang buhangin. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang mga dalampasigan ng Pulo ng Panglao.
May apat na pangunahing mga ilog na dumadaloy sa Bohol. Ang Ilog Loboc ang pinakatanyag sa lahat dahil sa mga bangkang may kainang naglalayag doon na matatagpuan sa timog silangang bahagi ng pulo.