Tungkol sa isang lalawigan sa Pilipinas ang artikulo na ito. Para sa rehiyong kinabibilangan ng lalawigang ito, tingnan ang Lambak ng Cagayan. Para sa ibang gamit, tingnan ang Cagayan (paglilinaw).
Pamplona Atta Wikang Gaddang Wikang Ibanag Cagayan Agta Wikang Arta Dupaningan Agta Wikang Ibatan Wikang Isnag Wikang Itawis Wikang Kagayanen Wikang Ilongot Wikang Iloko Faire Atta Ibatan
Ang Cagayan ay isa sa mga kauna unahang probinsya na noroon na noong panahon ng pagsakop ng mga Espanyol. Tinawag itong La Provincia De Cagayan, ang mga hangganan nito ay esensyal na sakop ang buong lambak ng Cagayan, kasama na dito ang kasalukuyang lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Batanes at mga ilang bahagi ng Kalinga, Apayao, at Aurora. Ang dating kabisera ay Nueva Segovia, na kung saan ito rin ang nagsilbing upuan ng Diocese ng Nueva Segovia[3]. Sa ngayon, 9,295.75 kilometro kuwadrado (3,589.11 sq mi)[4] na lamang ang natitira sa dating lawak ng lalawigan. Ang buong rehiyon, gayunpaman, ay tinutukoy pa rin bilang Cagayan Valley.