Leyte

Leyte
Lalawigan ng Leyte
Watawat ng Leyte
Watawat
Opisyal na sagisag ng Leyte
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Leyte
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Leyte
Map
Mga koordinado: 11°0'N, 124°51'E
Bansa Pilipinas
RehiyonSilangang Kabisayaan
KabiseraTacloban
Pagkakatatag1735
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorLeopoldo Dominico Petilla
 • Manghalalal1,292,882 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan6,313.33 km2 (2,437.59 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan1,776,847
 • Kapal280/km2 (730/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
402,126
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan20.80% (2021)[2]
 • Kita₱3,255,205,295.13 (2020)
 • Aset₱14,784,010,305.75 (2020)
 • Pananagutan₱2,778,067,933.27 (2020)
 • Paggasta₱1,961,900,955.83 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod2
 • Lungsod1
 • Bayan40
 • Barangay1,641
 • Mga distrito5
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
6500–6542
PSGC
083700000
Kodigong pantawag53
Kodigo ng ISO 3166PH-LEY
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Waray
Sebwano
Wikang Kabalian
Wikang Porohanon
Wikang Baybay
Websaythttp://leyteprovince.net/
Para sa ibang paggamit, tingnan ang Leyte (paglilinaw).

Ang Leyte (o Hilagang Leyte) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital nito at sinasakop ang 75 bahagdan ng hilagang bahagi ng pulo ng Leyte. Matatagpuan ang Leyte sa kanluran ng Samar, sa hilaga ng Katimogang Leyte at sa timog ng Biliran. Sa kanluran ng Leyte sa ibayo ng Dagat Camotes, naroon ang lalawigan ng Cebu.

Kasaysayan

Ang manlalakbay na si Ruy López de Villalobos ay unang dumating sa pulo noong 1543 at ipinangalan ang lugar bilang Las Islas Felipinas.

Labanan sa Golpo ng Leyte

Nang nalusob ng mga Amerikano ang baybayin ng Leyte, natupad nito ang pangako ni Hen. Douglas MacArthur na babalik ito pagkatapos niya itong sabihin noong bumagsak ang laban ng Pilipinas sa mga Hapon noong 1942.

Ang Labanan sa Golpo ng Leyte ay naganap sa mga karagatang nakapalibot sa pulo simula noong 23 Oktubre hanggang 26 Oktubre 1944. Iyon ang pinakamalaking labanang pandagat sa modernong kasaysayan, kung saan tinatayang 212 mga barko ng Amerika ang nakipaglaban sa mga 60 barko ng Imperyo ng Hapon, kasama na ang mga barking pandigma nitong Yamato' at ang Musashi.

Naganap ang unang labanan sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Isang matagumpay na pagsakop ng mga Alyadong bansa sa pulo ang naganap at naging isang mahalagang bahagi ng tuluyang pagkapanalo ng hukbong Pilipino at Amerikano sa Pilipinas.

Tao at kultura

Sensus ng populasyon ng lalawigan ng Leyte
TaonPop.±% p.a.
1990 1,230,925—    
1995 1,343,941+1.66%
2000 1,413,697+1.09%
2007 1,506,096+0.88%
2010 1,567,984+1.48%
2015 1,724,679+1.83%
Hindi kabilang ang Lungsod ng Tacloban
Source: Philippine Statistics Authority[3][4][4]
Talon ng Busay na matatagpuan sa Brgy. Camono-an Dagami, Leyte

Nahahati sa wika ang Leyte sa dalawang pangunahing pangkat. Sa kanluran at timog ang mga nagsasalita ng Cebuano, habang sa hilaga at silangan ang mga nagsasalita ng Waray-waray.

May mga pag-uugnay ang mga Cebuano sa Cebu, ang pinakamataong lalawigan sa Visayas; mas may mga pag-uugnay ang mga Waray sa Leyte at Samar.

Ekonomiya

Umaasa ang ekonomiya ng Leyte sa agrikultura. Itinatanim ang palay sa mga mababang patag na lugar, partikular sa may Tacloban, habang pagtatanim ng buko, para sa langis nito, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mga bulubunduking lugar. Isang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ang pangingisda.

Heograpiya

Pampolitika

Mapang politikal ng Leyte

Nahahati ang Leyte sa 40 bayan at 2 lungsod.

Isang malayang lungsod ang Lungsod ng Ormoc sa Leyte. Pinamamahalaan ito na malaya sa lalawigan at hindi naghahalal ang mga residente ng mga opisyal ng lalawigan, na nakasaad sa kasulatan ng lungsod. Ang Lungsod ng Tacloban ay ang kabisera pero hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan ng probinsya ng Leyte.

Mataas na urbanisadong lungsod

Mga lungsod

Mga bayan

Mga sanggunian

  1. "Province: Leyte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)