Ang Bayan ng Candaba (dating Candawe) ay isang ika-2 na klaseng bayan sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 119,497 sa may 27,052 na kabahayan.
Kasaysayan
Bago pa man dumako ang mga Kastila sa bayan ng Candaba, ito ay matatag nang nakalagay sa rehiyon ng Pampanga bilang isang pamayanang pinamumunan ng mga datu. Subalit ang mga Kastila ay nakarating ng Pampanga noong 1571 matapos ang pagkabuwag ng mga Katagalugan matapos ang Labanan sa Bangkusay.[3]
Noong 3 May 1575, ang Simbahan ng San Andres Apostol ay naitatag sa Candaba ng mga Hesuwita upang mapasampalataya ang mga Kapampangan sa bayang ito. Matapos ang tatlong taon ay napalitan ng mga Agustino ang mga Hesuwito.
Noong 1593, ang pamayanan ng Candaba ay pinamunuan ng mga enkomendero.[3]
Mga Barangay
Ang bayan ng Candaba ay nahahati sa 33 mga barangay.
Ekonomiya
Kilala ang Candaba sa mga bukirin nito na tinataniman ng mga palay
Kilala din bilang tahanan ng mga ibon sa candaba wetlands.
Klima
may dalawang uri ng panahon, ang tag-ulan at tag-init, tag-ulan tuwing buwan ng mayo hanggang Oktubre at tag-init, sa kabuaan ng taon. Tuwing buwan ng Hulyo at Agosto, ang temperatura ay nasa pagitan ng 25.8 sentigrado, at ang buwan ng Enero at Pebrero ay ang pinakamalamig.
Mga Barangay
Ang bayan ng Candaba ay nahahati sa 33 mga barangay.
- Bahay Pare
- Bambang
- Barangca
- Barit
- Buas (Pob.)
- Cuayang Bugtong
- Dalayap
- Dulong Ilog
- Gulap
- Lanang
- Lourdes
|
- Magumbali
- Mandasig
- Mandili
- Mangga
- Mapaniqui
- Paligui
- Pangclara
- Pansinao
- Paralaya (Pob.)
- Pasig
- Pescadores (Pob.)
|
- Pulong Gubat
- Pulong Palazan
- Salapungan
- San Agustin (Pob.)
- Santo Rosario
- Tagulod
- Talang
- Tenejero
- Vizal San Pablo
- Vizal Santo Cristo
- Vizal Santo Niño
|
Demograpiko
Senso ng populasyon ng
CandabaTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|
1903 | 11,783 | — |
---|
1918 | 14,434 | +1.36% |
---|
1939 | 19,956 | +1.55% |
---|
1948 | 16,036 | −2.40% |
---|
1960 | 28,811 | +5.00% |
---|
1970 | 41,512 | +3.72% |
---|
1975 | 48,458 | +3.15% |
---|
1980 | 52,945 | +1.79% |
---|
1990 | 68,145 | +2.56% |
---|
1995 | 77,546 | +2.45% |
---|
2000 | 86,066 | +2.26% |
---|
2007 | 96,589 | +1.60% |
---|
2010 | 102,399 | +2.15% |
---|
2015 | 111,586 | +1.65% |
---|
2020 | 119,497 | +1.36% |
---|
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas