Si Juan Miguel "Migz" Fernandez Zubiri (ipinanganak noong ika-13 Abril 1968) ay isang Pilipinong politiko na naglingkod bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Bukidnon nang tatlong magkakasunod na termino mula 1998 hanggang 2007.[2] Siya ay kasalukuyang nasa kanyang ikatlong termino sa Senado, unang nagsilbi mula 2007 hanggang 2011 at muli mula 2016 hanggang 2022. Dati siyang nagsilbi bilang Pinuno ng Mayorya sa Senado mula 2008 hanggang 2010 at 2018 hanggang 2022.
Inihayag ni Zubiri ang kanyang pagbibitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011 kasunod ng mga paratang ng pandaraya noong halalan ng 2007[3][4][5][6] Siya ang kauna-unahang senador sa kasaysayan ng Pilipinas na magbitiw dahil sa mga paratang. Ang ibang pagbibitiw sa kasaysayan ng senado ay kinabibilangan ng pagbibitiw dahil sa pagganap sa ibang posisyon sa pamahalaan.[7]
Pagkabata
Ipinanganak si Zubiri sa Lungsod ng Makati at lumaki sa lalawigan ng Bukidnon. Siya ay anak ng dating gobernador at mambabatas na si Jose Maria Zubiri. Nakapagsasalita siya ng Cebuano, Tagalog, Ingles at Ilonggo.