PDP–Laban

Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan
TagapanguloRodrigo Duterte
PanguloEmmanuel Pacquiao
NagtatagAquilino Pimentel Jr. (PDP)
Benigno Aquino Jr. (LABAN)
Punong-Kalihimbakante
Itinatag6 Pebrero 1983; 41 taon na'ng nakalipas (1983-02-06) (merger)[1]
Punong-tanggapanKalakhang Maynila
PalakuruanPederalismo, Demokratikong Sosyalismo
Opisyal na kulayDilaw, Bughaw, Pula
Logo

Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.

Muling sumabak ang PDP–Laban sa pampanguluhang halalan sa Pilipinas noong 2016 nang itaguyod nito ang kandidatura ni Rodrigo Duterte.

Kasaysayan

Lakas ng Bayan

Lakas ng Bayan
PinunoBenigno Aquino Jr. (1978-1983)
Koko Pimentel (2024-)
Itinatag1978
Sumanib saPartido Demokratiko Pilipino

Ang Lakas ng Bayan o Laban[3] ay isang dating partidong politikal sa Pilipinas na itinatag bilang partido ng oposisyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1986, umanib ito sa Partido Demokratiko Pilipino at naging Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP–Laban.

Alitan sa PDP–Laban ng 2021

Ang alitan sa pagitan ng dalawang paksyon sa loob ng naghaharing PDP–Laban na pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao – na pawang kabilang sa iisang partido kung saan si Duterte ang chairman ng partido at si Pacquiao ang naging pangulo ng partido mula Disyembre 2020 hanggang Hulyo 2021. Nagsimula ang alita nang itinalaga si Pacquiao bilang pangulo ng partido kasunod ng pagbibitiw ni Senador Koko Pimentel sa kanyang tungkulin noong Disyembre 2020.[4]

Ang pangunahing yugto ng pagtatalo ay nagsimula noong Mayo 3, 2021, nang punahin ni Pacquiao si Duterte hinggil sa hidwaan sa South China Sea. Noong huling bahagi ng Hunyo 2021, naglunsad si Pacquiao ng kanyang sariling pagsisiyasat tungkol sa sinasabing katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng administrasyong Duterte. Bilang tugon, tinawag ni Duterte na "punch-drunk" si Pacquiao.[5][6] Noong Hulyo 17, ginanap ang isang pambansang pagpupulong kung saan nahalal si Alfonso Cusi bilang pangulo ng partido. Ang pagpupulong ay hindi kinilala nina Pimentel at Pacquiao.[7]

Bago ang alitan, sina Duterte at Pacquiao ay matagal nang kapanalig dahil pareho silang nasa ilalim ng nasabing naghaharing partido.[8]

Mga sanggunian

  1. "THE PARTY - PDP-Laban". PDP-Laban. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2017. Nakuha noong June 21, 2016.
  2. BINAY INDUCTS NEW PDP-LABAN MEMBERS IN GMA, CAVITE - "...the PDP, established in 1982... Naka-arkibo July 23, 2011, sa Wayback Machine.
  3. "G.R. No. L-47883. March 25, 1978" (sa wikang Ingles). ChanRobles Publishing Company. Nakuha noong 2016-06-18.
  4. "Will PDP-Laban survive Duterte?". Rappler. Nakuha noong 15 July 2021. The animosity between Pacquiao and Duterte did not happen overnight. The grumblings started in December 2020, when Senator Aquilino "Koko" Pimentel III relinquished his post as PDP-Laban president to Pacquiao.
  5. "Pacquiao is punch-drunk: Duterte". Philippine News Agency. Nakuha noong 22 July 2021.
  6. "Duterte on Pacquiao's missing pandemic aid claims: That guy is 'punch-drunk'". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 22 July 2021. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. ""Duterte's attendance will not legitimize upcoming PDP-Laban assembly - Pimentel"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-15. Nakuha noong 2021-09-16.
  8. "No reason for Duterte to apologize to Pacquiao: Palace". Philippine News Agency. Nakuha noong 22 July 2021.