Ang bayan (munisipalidad) ay isang bahagi ng lokal na pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga lalawigan ay binubuo ng mga lungsod at mga bayan. Ang mga bayan naman ay binubuo ng mga barangay o barrio (baryo). Ang mga bayan ay may autonomiya sa pambansang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Ang mga ito ay pinapayagang gumawa ng kanilang sariling mga pang-ekonomiya, industriya at pampolitika na pagpapaunlad ng Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ng pambansang batas na tinatawag na Local Government Code (o Lokal na Kodigo ng Pamahalaan) ng 1991[1]. Sa batas na ito, ang mga pamahalaang lokal ay pinapayagang mamahala, gumawa ng mga alituntunin o pang-lokal na mga ordinansa, at ipatupad ito, at pamahalaan ang kanyang lugar ng sakop. Sila ay maaaring pumasok sa mga pribadong transaksiyon at negosyo sa pamamagitan ng paghalal at pagtalaga ng mga opisyal at lokal na bubuwisan. Sila ay inaatasang ipatupad ang mga batas, mapa-lokal man ito o pambansa. Ang Pambansang Pamahalaan ay umaalalay, nagbabantay at nagsisiguro na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi lumalabag sa batas pambansa.
Ang Pamahalaang Lokal ay mayroon sariling sangay na Ehekutibo at Lehislatibo. Ang Sangay ng Hudikatura ng Republika ng Pilipinas ay hindi sakop ng Lokal na Pamahalaan. Ang Hudikatura nila ay tulad ng nasa Pambansang Pamahalaan.
Ang mga bayan ay pinamumunuan ng Alkalde (minsan tinatawag ding Punongbayan o Mayor sa Ingles) bilang Opisyal ng Ehekutibo. Ang Lehislatura ay binubuo ng Bise Alkalde at walong konsehal (kagawad). Ang walong konsehal, at ang Pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) at ang Pangulo ng Liga, ay ang bumubuo sa Sangguniang Bayan. Lahat sila ay mga inihalal na opisyal at nagsisilbi ng 3 taon termino at hindi lalabis sa 3 sunod-sunod na termino. Ang Bise Alkalde naman ang namumuno sa lehislatura, pero hindi maaaring bumoto maliban na lang kung patas.
Pagkakahati ng pamahalaang lokal
Pamahalaang panlalawigan
Gobernador
Pangalawang Gobernador
Sangguniang Panlalawigan
Pamahalaang pambayan at panlungsod
Alkalde (punong-bayan o punong-lungsod)
Pangalawang Alkalde
Sangguniang Bayan o Sangguniang Panlungsod
Pamahalaang barangay
Punong Barangay
Sangguniang Barangay
Sangguniang Kabataan
Sa ARMM, nakahati ang pamahalaan ayon sa sumusunod: