Siya ay naglingkod bilang Pangulo ng Pinagsamang Abogasya ng Pilipinas sa Marinduque gayundin bilang Tagapangasiwang Panlalawigan ng lalawigan sa ilalaim ng dating Gobernador Jose Antonio Carrion. Bilang Tagapangasiwang Panlalawigan ng Marinduque, naglingkod din siya bilang Tagapangulo ng Lupong Panlalawigan sa Turismo ng Marinduque at nagsagawa ng mga proyekto upang itaguyod ang lalawigan bilang kanlungan para sa abenturang pampalakasan at turismong pampamayanan, bago naging mambabatas. Ang kanyang mga pangunahing programa ay nakatutok sa pagpapa-angat ng kaularang pang-ekonomiya, pampublikong edukasyon na may kalidad at kalagayan ng mga guro, kaunlarang pansakahan at ekoturismo ng Marinduque.
Karera sa pulitika
Natalo si Velasco sa kanyang laban sa muling pagtakbo sa halalan noong 2013 kay Regina Ongsiako Reyes, anak ng nakaupong Punong Lalawigang Carmencita Reyes, subali't tinutulan ni Velasco ang pagkapanalo ni Reyes sa pamamagitan ng paglilimi na si Reyes ay isang mamamayan ng Estados Unidos habang dumadaos ang halalan at sa gayon hindi karapat-dapat humawak ng tanggapan. Kapwa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at ang Komisyon sa Halalan (COMELEC) ay nanindigan sa protesta ni Velasco. Sa kabila nito, ipinanatili ni Ispiker ng Mababang Kapulungan Feliciano Belmonte na ang pasiya ng pagtanggal kay Reyes mula sa kinaluluklok ay nasa Hukumang Panghalalan ng Mababang Kapulungan, kung saan ang kaso ni Velasco na matanggal siya ay nananatiling nakabinbin. Bandang huli, si Velasco at inihayag bilang lehitimong kinatawan ng Distrito ng Kabuuang Marinduque at lumuklok sa tanggapan noong Ika-1 ng Pebrero, 2016.
Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang kinatawan ng Nag-iisang Distrito ng Marinduque at tagapangulo ng Lupong Pangkamara sa Enerhiya. Siya rin ay tagapangulo ng Lupong Pampangasiwaan sa Pamamahala sa Basurang Solido at kapwa-tagapangulo ng Komisyon sa Pinagsamang Pakonggreso sa Elektrisidad.
Ispiker (2020–kasalukuyan)
Na may pagtanggi ni Cayetano sa paggalang sa kasunduan sa paghahati ng termino pagkatapos tumanggi ang 184 na kinatawan sa alok ng pagbibitiw noong Setyembre 30, 2020[5][6] at pagsuspindi nang biglaan ng sesyon ng Mababang Kapululungan noong Oktubre 6, 2020,[7] si Velasco ay nananawagan kay Cayetano na ipagpatuloy ang sesyon ng Mababang Kapulungan bago mag-Nobyembre 16, 2020.[8] Siya at ang kanyang mga kapanalig ay nanindigan din ng kanilang hangarin na mamahala ng sesyon sa Ika-14 ng Oktubre, 2020 upang gawing pormal ang kanyang palagay bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nahalal si Velasco bilang Ispiker noong Ika-12 ng Oktubre, 2020, dalawang araw bago ang kasunduan ng hatian ng termino na siya at si Alan Peter Cayetano ay nagkasundo noong Hulyo 2019[9] na isakatuparan, sa panahon ng pagtitipon ng 186 na kinatawan sa Celebrity Sports Complex in Lungsod Quezon.[10] Gayumpaman, tumutol si Cayetano sa halalang Velasco at tinawag ang pagtitipong "pekeng sesyon."[11]
Noong Ika-13 ng Oktubre, 2020, naghain si Cayetano ng kanyang "di-mabawing pagbibitiw" bilang Ispiker sa pamamagitan ng isang direktang-daloy ng Facebook,[12] habang ipinatibay ng mga 186 na kinatawan ang halalan kay Velasco bilang bagong Ispiker sa Batasang Pambansa sa simula ng kanilang tanging sesyon.[13]