Ang Bayan ng Nabas ay isang Ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Aklan, Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Tangway ng Buruanga sa hilagang kanluran dulo ng Pulo ng Panay. Ito ay isang baybaying bayan na naghahanggan sa Dagat Sibuyan sa hilaga, ang bayan ng Pandan at Libertad sa timog, ang Dagat Sibuyan at Aklan sa silangan, at ng Malay at Buruanga sa kanluran.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 40,632 sa may 9,868 na kabahayan.
Mga Barangay
Ang bayan ng Nabas ay nahahati sa 20 mga barangay.
- Alimbo-Baybay
- Buenasuerte
- Buenafortuna
- Buenavista
- Gibon
- Habana
- Laserna
- Libertad
- Magallanes
- Matabana
|
- Nagustan
- Pawa
- Pinatuad
- Poblacion
- Rizal
- Solido
- Tagororoc
- Toledo
- Unidos
- Union
|
Nabas Bariw Festival
Ipinagdiriwang ang Nabas Bariw Festival upang alalahanin ang araw ng kapistahan ni San Isidro ang Magsasaka, ang patrong santo ng bayan. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 12–15. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang mga produktong bayan tulad ng sombrero, banig at iba pang produktong gawa sa bariw pati na rin ang mga pambihirang pook panturismo at mga likas na tanawin.
Tuwing ginaganap ito, iba't ibang mga kaalaman sa banig, sombrero at paggawa at pagdisenyo sa mga bag ang ipinakikita. Ilan sa mga kaganapan dito ay ang paligsahan sa paggawa ng pinakamalaking sombrero at banig. Pinakikinang ang pista ng walang hintong pagsasayaw sa lansangan ng mga taong-bayang mula sa 20 barangay ng bayan na nakabihis sa iba't ibang damit na gawa sa bariw na sinamahan pa ng mga katutubong mga kawayang instrumento.
Layuning ng pista na mapakilala ang cottage industry nito, na nagbibigay gawaing pangkabuhayan sa bayan. Isa pa, ipinakikita rin nito ang malinis at malamig na bukal, mga lagoon, mahahabang dalampasigan, ilog at mga kagubatan na tahanan ng iba't ibang mga endemikong flora at fauna.
Demograpiko
Senso ng populasyon ng
NabasTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|
1903 | 6,455 | — |
---|
1918 | 7,355 | +0.87% |
---|
1939 | 9,768 | +1.36% |
---|
1948 | 10,442 | +0.74% |
---|
1960 | 11,879 | +1.08% |
---|
1970 | 13,850 | +1.55% |
---|
1975 | 15,051 | +1.68% |
---|
1980 | 16,607 | +1.99% |
---|
1990 | 20,538 | +2.15% |
---|
1995 | 21,391 | +0.77% |
---|
2000 | 25,014 | +3.41% |
---|
2007 | 28,345 | +1.74% |
---|
2010 | 31,052 | +3.38% |
---|
2015 | 36,435 | +3.09% |
---|
2020 | 40,632 | +2.17% |
---|
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas