Ang kasalukuyang nasasakupan ng Aklan ay dating bahagi ng kinakatawan ng ikalawa at ikatlong distrito ng lalawigan ng Capiz.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 1414 na naipasa noong Abril 25, 1956, hiniwalay ang mga kanlurang munisipalidad ng Capiz na nagsasalita ng Akeanon upang buuin ang lalawigan ng Aklan. Nabigyan ng sariling distrito ang Aklan na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1957.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ang solong distrito ng lalawigan noong 1987.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 11077 na naipasa noong Setyembre 24, 2018, hinati sa dalawang distritong pambatas ang lalawigan na nagsimulang maghalal ng mga kinatawan noong eleksyon 2019.