Ang kasalukuyang nasasakupan ng Oriental Mindoro ay bahagi ng kinakatawan ng dating lalawigan ng Mindoro (1907–1951).
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 505 na naaprubahan noong Hunyo 13, 1950, hinati ang dating lalawigan ng Mindoro sa dalawa, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, at binigyan ng tig-iisang distrito. Ayon sa Seksiyon 6 ng batas, ang noo'y nanunungkulang kinatawan ng solong distrito ng Mindoro ay patuloy na nirepresentahan ang Occidental Mindoro hanggang makapaghalal ito ng sariling kinatawan sa pamamagitan ng espesyal na eleksyon.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon IV-A sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati sa dalawang distritong pambatas ang lalawigan noong 1987.
↑Nanalo noong eleksyon 1949 bilang kinatawan ng dating lalawigan ng Mindoro; nagsimulang manungkulan bilang kinatawan ng Solong distrito ng Oriental Mindoro noong kalagitnaan ng Ikalawang Kongreso pagkatapos ng espesyal na halalan para sa kinatawan ng Occidental Mindoro