Distritong pambatas ng Malabon

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Malabon ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Malabon sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Malabon bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.

Mula 1984 hanggang 1986, ito ay ipinangkat kasama ang Navotas at Valenzuela bilang Distritong Pambatas ng Malabon–Navotas–Valenzuela na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Malabon at Navotas bilang Distritong Pambatas ng Malabon–Navotas mula 1987 hanggang 2010.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 9387 na niratipikahan noong Hunyo 24, 2007, ginawang lungsod ang Navotas. Ayon sa parehong batas, hiniwalay ang Malabon at Navotas at binigyan ng tig-iisang distrito.

Solong Distrito

  • Populasyon (2015): 365,525
Panahon Kinatawan
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Josephine Veronique R. Lacson-Noel
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Federico S. Sandoval II
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Josephine Veronique R. Lacson-Noel

Tingnan din

Sanggunian

  • Philippine House of Representatives Congressional Library