Distritong pambatas ng Pasig

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Pasig ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Pasig sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Pasig bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.

Mula 1984 hanggang 1986, ito ay ipinangkat kasama ang Marikina bilang Distritong Pambatas ng Pasig–Marikina na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa. Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng sariling distrito ang Pasig noong 1987.

Solong Distrito

  • Populasyon (2015): 755,300
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Rufino S. Javier
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Henry P. Lanot
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Noel M. Cariño[a]
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Robert B. Jaworski Jr.
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Roman T. Romulo
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Richard Eusebio
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Roman T. Romulo

Notes

  1. Pinalitan si Henry P. Lanot ayon sa desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) noong Hunyo 10, 2004.

Tingnan din

Sanggunian

  • Philippine House of Representatives Congressional Library