Ang kasalukuyang nasasakupan ng Sultan Kudarat ay bahagi ng kinakatawan ng Departmento ng Mindanao at Sulu (1917–1935) at ng dating lalawigan ng Cotabato (1935–1972).
Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 341 na naaprubahan noong Nobyembre 22, 1973, hiniwalay ang ilang timog na munisipalidad ng Cotabato upang buuin ang Sultan Kudarat.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng solong distrito ang lalawigan noong 1987.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 9357 na naaprubahan noong Oktubre 10, 2006, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas na nagsimulang maghalal ng mga kinatawan noong eleksyon 2007.