Unang nabigyan ng sariling representasyon ang Nueva Vizcaya noong 1916. Bahagi ng kinakatawan ng solong distrito ng lalawigan ang Quirino mula 1916 hanggang 1972, nang ginawang lalawigan ang Quirino at nabigyan ng sariling representasyon.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon II sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.