Ang kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Cagayan de Oro ay dating kinakatawan ng dating lalawigan ng Misamis (1907–1931), Misamis Oriental (1931–1969) at Rehiyon X (1978–1984).
Ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Cagayan de Oro noong Nobyembre 22, 1983. Dahil dito, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lungsod sa Regular Batasang Pambansa noong 1984.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng sariling distrito ang lungsod na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1987.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9371 na naipasa noong Pebrero 22, 2007, hinati sa dalawang distritong pambatas ang lungsod. Ang mga barangay sa kanluran ng Ilog Cagayan de Oro ang bumubuo sa unang distrito, habang ang mga nasa silangan ng ilog ang bumubuo sa ikalawang distrito.