Miss Universe 2018


Miss Universe 2018
Catriona Gray
Petsa17 Disyembre 2018
Presenters
EntertainmentNe-Yo
PinagdausanImpact Arena, Muang Thong Thani, Bangkok, Taylandiya
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • PPTV
Lumahok94
Placements20
Bagong sali
  • Armenya
  • Kirgistan
  • Mongolya
Hindi sumali
  • Austrya
  • Eslobenya
  • Etiyopiya
  • Guyana
  • Irak
  • Rumanya
  • Tansaniya
  • Trinidad at Tobago
Bumalik
  • Belis
  • Dinamarka
  • Gresya
  • Kenya
  • Kosobo
  • Suwisa
  • Unggarya
NanaloCatriona Gray
 Pilipinas
CongenialityOrnella Gunesekere
 Sri Lanka
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanOn-anong Homsombath
 Laos
← 2017
2019 →

Ang Miss Universe 2018 ay ang ika-67 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Impact Arena sa Bangkok, Taylandiya noong 17 Disyembre 2018.[1][2]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Demi Leigh Nel-Peters ng Timog Aprika si Catriona Gray ng Pilipinas bilang Miss Universe 2018. Ito ang ikaapat na tagumpay ng Pilipinas sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Tamaryn Green ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Sthefany Gutiérrez ng Beneswela.[3][4]

Mga kandidata mula sa siyamnapu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Miss Universe matapos lagpasan ang dating rekord na siyamnapu't-dalawang kandidata noong 2017.[5] Pinangunahan nina Steve Harvey at Ashley Graham ang kompetisyon, samantalang sina Carson Kressley at Lu Sierra ang nagsilbing mga expert analyst.[6][7] Nagtanghal si Ne-Yo sa edisyong ito.[8][9]

Kasaysayan

Impact Arena, Muang Thong Thani, ang lokasyon ng Miss Universe 2018.
Nong Nooch Tropical Botanical Garden, ang lokasyon ng National Costume Competition.

Lokasyon at petsa

Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Hangzhou, Tsina, bilang isang test run para sa Palarong Asyano 2022. Subalit, hindi nagpatuloy ang negosasyon matapos tumanggi ang Tsina na isahimpapawid nang live ang kompetisyon dahil sa lawak ng pagkakaiba ng oras sa pagitan ng Tsina at ang Estados Unidos. Pagkatapos nito, binuksan ng organisasyon ang negosasyon sa Pilipinas matapos nilang mag-host noong 2016.[10]

Noong Abril 2018, nakipag-usap ang noo'y Kalihim ng Turismo na si Wanda Tulfo-Teo sa noo'y Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte hinggil sa posibilidad na idaos ang kompetisyon sa Boracay sa Nobyembre 2018, na bagong-ayos noon matapos na isara sa mga turista sa loob ng anim na buwan.[11] Noong 6 Mayo 2018, inihayag ni Tulfo-Teo na may malaking tyansa na idaos sa Pilipinas ang kompetisyon, at ibinunyag din na ang Kagawaran ng Turismo ay naghahanap ng mga isponsor upang tustusan ang kompetisyon.[12][13] Gayunpaman, inanunsyo ng kahalili ni Tulfo-Teo na si Bernadette Romulo-Puyat noong 18 Mayo 2018 na iniurong ng bansa ang hosting bid dahil sa mga hadlang sa badyet at iba pang mga kadahilanan. Ipinunto rin ni Romulo-Puyat na kamakailan idinaos sa Pilipinas ang kompetisyon, at walang dahilan upang idaos muli ito sa bansa sa lalong madaling panahon.[14]

Noong 31 Hulyo 2018, inihayag ng Pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart sa isang live press conference sa Bangkok Art and Culture Center, na ang ika-67 edisyon ng kompetisyon ay gaganapin sa Impact Arena sa Bangkok, Taylandiya sa 17 Disyembre 2018. Pinangyarihan na rin ng lungsod ang kompetisyon noong 1992 at 2005.[15][16] Bukod pa rito, ginanap ang National Costume competition sa Nong Nooch Tropical Garden sa Pattaya, Taylandiya noong 10 Disyembre 2018.[17]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa siyamnapu't-apat na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Siyam na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo.

Mga pagpalit

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Belgium 2018 na si Zoé Brunet bilang kandidata ng Belhika sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss Belgium 2018 Angeline Flor Pua na kumalahok sa Miss World 2019.[18] Iniluklok rin sina Eva Colas ng Pransiya at Magdalena Swat ng Polonya matapos na piliin nina Miss France 2018 Maëva Coucke at Miss Polonia 2017 Agata Biernat na kumalahok sa Miss World 2019.[19][20] Kalaunan, kumalahok sa sumunod na taon sina Coucke at Pua.[21][22]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

Sa edisyong ito unang kumalahok ang Armenya, Kirgistan[23], at Monggolya, at bumalik ang Belis, Dinamarka, Gresya, Kenya, Kosobo, Suwisa, at Unggarya. Huling kumalahok noong 2015 ang Gresya, at noong 2016 ang Belis, Dinamarka, Kenya, Kosobo, Suwisa, at Unggarya. Ang mga bansang Austrya, Eslobenya, Etiyopiya, Guyana, Irak, Rumanya, Tansaniya, at Trinidad at Tobago ay hindi sumali sa edisyong ito. Nasuspinde sa paglahok sa kompetisyon ang Guyana, dahil sa isang kontrobersya na kinasasangkutan ng mga "hindi kanais-nais na mga sulatroniko" at mga "banta ng kamatayan" na ipinadala sa organisasyon dahil sa isyu tungkol sa kanilang kalahok noong 2017.[24] Dahil walang may nais na pumalit sa dating may hawak ng lisensya, napilitan ang Guyana na lumiban sa edisyong ito.[25] Bagaman kinoronahan si Martrecia Alleyne bilang Miss Universe Trinidad and Tobago 2018, hindi kumalahok sa edisyong ito ang Trinidad at Tobago dahil pinaghigpitan ng prangkisa na sumali si Alleyne sa kompetisyon.[26][27] Hindi sumali ang Austrya, Etiyopiya, Irak, Rumanya, at Tansaniya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Nakarating sa Bangkok si Marie Esther Bangura ng Sierra Leone anim na araw matapos ang pagrerehistro, dahilan upang hindi ito makasali sa kompetisyon. Subalit, pinayagan si Bangura na lumahok sa mga aktibidad ng mga kandidata at manood ng kompetisyon mula sa madla, at inanyayahan pa itong kumalahok sa susunod na taon.[28][29]

Si Ángela Ponce ng Espanya ang kauna-unahang lantad na transgender na kandidata sa kompetisyon.[30] Bagaman hindi nakapasok sa Top 20, kinilala ng mga pageant organizer si Ponce sa kahalagahang pangkasaysayan nito sa panahon ng kompetisyon.[31] Binago ang mga panuntunan sa kompetisyon upang payagan ang mga babaeng transgender na kumalahok noong 2012.[32][33]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2018 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2018
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10
Top 20

Mga espesyal na parangal

Parangal Kandidata
Best National Costume
Miss Congeniality

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Simula sa edisyong ito, mula sa labing-anim, dalawampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview.[36] Muling ginamit sa ikalawang pagkakataon ang continental format kung saan limang semi-finalist ay galing sa Kaamerikahan, Europa, at Aprika at Asya-Pasipiko at limang semi-finalist ay kabilang sa wildcards na magmumula sa anumang rehiyong heograpikal. Lumahok sa opening statement ang dalawampung semi-finalist at kalaunan ay napili ang sampung semi-finalist. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung semi-finalist at kalaunan ay napili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final question at final walk.[37]

Komite sa pagpili

  • Liliana Gil Valletta – negosyanteng Kolombyana[38][39]
  • Janaye Ingram – aktibista at personalidad ng media na Amerikano; Miss New Jersey USA 2004[38][39]
  • Monique Lhuillier – taga-disenyong Amerikano-Pilipino[38][39]
  • Michelle McLean – Miss Universe 1992 mula sa Namibya[38][39]
  • Iman Oubou – siyentipiko at negosyante[38][39]
  • Bui Simon – Miss Universe 1988 mula sa Taylandiya[38][39]
  • Richelle Singson-Michael – arkitekto at negosyanteng Filipino[38][39]

Mga kandidata

Siyamnapu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.[34][40]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan Rehiyong Heograpikal
Albanya Albanya Trejsi Sejdini[41] 18 Tirana Europa
Alemanya Alemanya Celine Willers[42] 25 Munich Europa
Angola Anggola Ana Liliana Avião[43] 24 Andulo Aprika at Asya-Pasipiko
Arhentina Arhentina Agustina Pivowarchuk[44] 22 Buenos Aires Kaamerikahan
Armenya Armenya Eliza Muradyan 25 Etchmiadzin Europa
Aruba Aruba Kimberly Julsing[45] 20 Wayaca Kaamerikahan
Australia Australya Francesca Hung[46] 24 Sydney Aprika at Asya-Pasipiko
New Zealand Bagong Silandiya Estelle Curd[47] 27 Auckland Aprika at Asya-Pasipiko
 Bahamas Danielle Grant[48] 23 Nassau Kaamerikahan
Barbados Barbados Meghan Theobalds[49] 27 Christ Church Kaamerikahan
Belhika Belhika Zoé Brunet[18] 18 Namur Europa
Belize Belis Jenelli Fraser[50] 27 Lungsod ng Belis Kaamerikahan
Venezuela Beneswela Sthefany Gutiérrez[51] 19 Barcelona Kaamerikahan
Vietnam Biyetnam H'Hen Niê[52] 26 Đắk Lắk Aprika at Asya-Pasipiko
Brazil Brasil Mayra Dias[53] 27 Itacoatiara Kaamerikahan
Bulgaria Bulgarya Gabriela Topalova[54] 22 Plovdiv Europa
Bolivia Bulibya Joyce Prado[55] 21 Santa Cruz Kaamerikahan
Curaçao Curaçao Akisha Albert[56] 23 Willemstad Kaamerikahan
Denmark Dinamarka Helena Heuser[57] 22 Copenhague Europa
Egypt Ehipto Nariman Khaled[58] 22 Hurghada Aprika at Asya-Pasipiko
Ecuador Ekwador Virginia Limongi[59] 24 Portoviejo Kaamerikahan
El Salvador El Salbador Marisela de Montecristo[60] 26 San Salvador Kaamerikahan
Slovakia Eslobakya Barbora Hanová[61] 24 Lučenec Europa
Espanya Espanya Ángela Ponce[62] 27 Sevilla Europa
Estados Unidos Estados Unidos Sarah Rose Summers[63] 24 Omaha Kaamerikahan
Ghana Gana Akpene Diata Hoggar[64] 25 Tefle Aprika at Asya-Pasipiko
United Kingdom Gran Britanya Dee-Ann Kentish-Rogers[65] 25 Birmingham Europa
Greece Gresya Ioanna Bella[66] 22 Veria Europa
Guam Guam Athena McNinch[67] 20 Mangilao Aprika at Asya-Pasipiko
Guatemala Guwatemala Mariana García[68] 19 Lungsod ng Guatemala Kaamerikahan
Jamaica Hamayka Emily Maddison[69] 19 Saint Andrew Kaamerikahan
Hapon Hapon Yuumi Kato[70] 22 Aichi Aprika at Asya-Pasipiko
Haiti Hayti Samantha Colas[71] 26 Port-au-Prince Kaamerikahan
Heorhiya Heorhiya Lara Yan[72] 25 Telavi Europa
Honduras Vanessa Villars[73] 20 Santa Bárbara Kaamerikahan
India Indiya Nehal Chudasama[74] 22 Mumbai Aprika at Asya-Pasipiko
Indonesia Indonesya Sonia Fergina Citra[75] 26 Tanjung Pandan Aprika at Asya-Pasipiko
Irlanda (bansa) Irlanda Grainne Gallanagh[76] 24 Buncrana Europa
Israel Israel Nikol Reznikov[77] 18 Afula Aprika at Asya-Pasipiko
Italya Italya Erica De Matteis[78] 24 Roma Europa
Kambodya Kambodya Nat Rern[79] 22 Kampong Cham Aprika at Asya-Pasipiko
Canada Kanada Marta Stępień[80] 24 Windsor Kaamerikahan
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko A'yana Keshelle Phillips[81] 23 Sea Cows Bay Kaamerikahan
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Aniska Tonge[82] 27 Charlotte Amalie Kaamerikahan
Cayman Islands Kapuluang Kayman Caitlin Tyson[83] 24 Bodden Town Kaamerikahan
Kazakhstan Kasakistan Sabina Azimbayeva[84] 18 Almaty Europa
Kenya Kenya Wabaiya Kariuki[85] 22 Nairobi Aprika at Asya-Pasipiko
Kyrgyzstan Kirgistan Begimay Karybekova[86] 20 Biskek Aprika at Asya-Pasipiko
Colombia Kolombiya Valeria Morales[87] 20 Cali Kaamerikahan
Kosovo Kosobo Zana Berisha[88] 24 Suhareke Europa
Costa Rica Kosta Rika Natalia Carvajal[89] 28 San Jose Kaamerikahan
Croatia Kroasya Mia Pojatina[90] 23 Nova Gradiška Europa
Laos Laos On-anong Homsombath[91] 23 Vientiane Aprika at Asya-Pasipiko
Lebanon Líbano Maya Reaidy[92] 23 Tannourine Aprika at Asya-Pasipiko
Iceland Lupangyelo Katrín Lea Elenudóttir[93] 19 Reikiavik Europa
Malaysia Malaysia Jane Teoh[94] 21 Penang Aprika at Asya-Pasipiko
Malta Malta Francesca Mifsud[95] 22 Żejtun Europa
Mauritius Mawrisyo Varsha Ragoobarsing[96] 28 Flacq Aprika at Asya-Pasipiko
Mexico Mehiko Andrea Toscano[97] 20 Manzanillo Kaamerikahan
Myanmar Miyanmar Hnin Thway Yu Aung[98] 22 Yangon Aprika at Asya-Pasipiko
Mongolia Mongolya Dolgion Delgerjav[99] 27 Ulan Bator Aprika at Asya-Pasipiko
Namibia Namibya Selma Kamanya[100] 21 Windhoek Aprika at Asya-Pasipiko
 Nepal Manita Devkota[101] 23 Gorkha Aprika at Asya-Pasipiko
Niherya Niherya Aramide Lopez[102] 21 Lagos Aprika at Asya-Pasipiko
Nicaragua Nikaragwa Adriana Paniagua[103] 23 Chinandega Kaamerikahan
Norway Noruwega Susanne Guttorm[104] 22 Karasjok Europa
Netherlands Olanda Rahima Dirkse[105] 25 Rotterdam Europa
Panama Panama Rosa Montezuma[106] 25 Alto Caballero Kaamerikahan
Paraguay Paragway Belén Alderete[107] 24 Asunción Kaamerikahan
Peru Peru Romina Lozano[108] 21 Bellavista Kaamerikahan
Pilipinas Pilipinas Catriona Gray[109] 24 Oas Aprika at Asya-Pasipiko
Finland Pinlandiya Alina Voronkova[110] 23 Helsinki Europa
Poland Polonya Magdalena Swat[20] 27 Ostrowiec Świętokrzyski Europa
Puerto Rico Porto Riko Kiara Ortega[111] 25 Rincón Kaamerikahan
Portugal Portugal Filipa Barroso[112] 20 Setúbal Europa
Pransiya Pransiya Eva Colas[19] 22 Bastia Europa
Republikang Tseko Republikang Tseko Lea Šteflíčková[113] 20 Praga Europa
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Aldy Bernard[114] 23 Laguna Salada Kaamerikahan
Rusya Rusya Yulia Polyachikhina[115] 18 Cheboksary Europa
Zambia Sámbia Melba Shakabozha[116] 23 Lusaka Aprika at Asya-Pasipiko
Saint Lucia Santa Lucia Angella Dalsou[117] 24 Castries Kaamerikahan
Singapore Singapura Zahra Khanum[118] 23 Singapore Aprika at Asya-Pasipiko
Sri Lanka Sri Lanka Ornella Gunesekere[119] 26 Mount Lavinia Aprika at Asya-Pasipiko
Suwesya Suwesya Emma Strandberg[120] 22 Hallstahammar Europa
Switzerland Suwisa Jastina Doreen Riederer[121] 20 Spreitenbach Europa
Thailand Taylandiya Sophida Kanchanarin[122] 23 Bangkok Aprika at Asya-Pasipiko
South Africa Timog Aprika Tamaryn Green[123] 24 Paarl Aprika at Asya-Pasipiko
Timog Korea Timog Korea Baek Ji-hyun[124] 25 Daegu Aprika at Asya-Pasipiko
Chile Tsile Andrea Díaz[125] 27 Santiago Kaamerikahan
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Meisu Qin[126] 24 Anshan Aprika at Asya-Pasipiko
Turkey Turkiya Tara De Vries[127] 20 Istanbul Europa
Ukraine Ukranya Karyna Zhosan[128] 23 Odessa Europa
Hungary Unggarya Enikő Kecskès[129] 21 Budapest Europa
Uruguay Urugway Sofía Marrero[130] 18 Canelones Kaamerikahan

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

  1. "Thailand to host Miss Universe 2018 as pageant returns to Asia". ABS-CBN News. 31 Hulyo 2018. Nakuha noong 26 Agosto 2022.
  2. "Philippines' Catriona Gray is Miss Universe 2018". Rappler (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2018. Nakuha noong 26 Agosto 2022.
  3. "Her mom once dreamed she'd win Miss Universe in a red dress. She did". NBC News (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2018. Nakuha noong 26 Agosto 2022.
  4. "Miss Universe 2018: Catriona Gray of the Philippines wins crown". CBS News (sa wikang Ingles). 16 Disyembre 2018. Nakuha noong 26 Agosto 2022.
  5. Smith, Nasha (15 Disyembre 2018). "The 20 front runners for the 2018 Miss Universe pageant crown". Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.
  6. Wynne, Kelly (16 Disyembre 2018). "Who is 'Miss Universe 2018' host and supermodel Ashley Graham?". Newsweek (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.
  7. Petski, Denise (31 Hulyo 2018). "Miss Universe 2018 Heads To Thailand With Steve Harvey Returning As Host". Deadline Holywood (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.
  8. Adel, Rosette (22 Nobyembre 2018). "Ne-Yo to perform at Miss Universe 2018". Philippine Star. Nakuha noong 25 Agosto 2022.
  9. Adel, Rosette (16 Disyembre 2018). "LIST: Where to watch Miss Universe 2018 pageant". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2022.
  10. Afinidad-Bernardo, Deni Rose (2 May 2018). "Organizer: Miss Universe Organization preparing for Philippines' 2018 hosting". The Philippine Star. Nakuha noong 9 May 2018.
  11. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (2 Mayo 2018). "Organizer: Miss Universe Organization preparing for Philippines' 2018 hosting". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Agosto 2022.
  12. "90% chance for another Miss U in PH: Teo". Philippine Canadian Inquirer. 6 Mayo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Agosto 2022. Nakuha noong 27 Agosto 2022.
  13. Severo, Jan Milo (7 Mayo 2018). "DOT: Philippines has 90 percent chance of hosting Miss Universe 2018". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Agosto 2022.
  14. "No Miss Universe hosting for PH this year, says tourism chief". ABS-CBN News. 18 Mayo 2018. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
  15. "Miss Universe 2018 to be held in Thailand". Rappler (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2018. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  16. "Thailand to host Miss Universe 2018 pageant". The Times of India (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2022. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  17. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (11 Disyembre 2018). "In photos: All the Miss Universe 2018 national costumes". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
  18. 18.0 18.1 "Zoé Brunet, de Miss Belgique à Top Model Belgium". Télépro (sa wikang Pranses). 9 Enero 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  19. 19.0 19.1 "Miss France 2018, Maëva Coucke ne représentera pas la France à Miss Univers". Europe 1 (sa wikang Pranses). 18 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  20. 20.0 20.1 "Magdalena Swat z Ostrowca Świętokrzyskiego zdobyła tytuł I Wicemiss Polonia 2017". Echo Dnia (sa wikang Polako). 27 Nobyembre 2017. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  21. "Ex-Miss België Angeline Flor Pua maakt kans om Miss Universe te worden: "Haar verhaal is zó bijzonder"". Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). 11 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  22. "Maëva Coucke, candidate pour Miss Univers!". Grand Lille (sa wikang Pranses). 16 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  23. "Begimai Karybekova to represent Kyrgyzstan at Miss Universe 2018". 24.kg (sa wikang Ingles). 2 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  24. "Guyana barred from participating in Miss Universe pageant". Stabroek News (sa wikang Ingles). 24 Abril 2018. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  25. "Guyana out of Miss Universe pageant due to lack of franchise holder". Stabroek News (sa wikang Ingles). 25 Abril 2018. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  26. "Martrecia Cherisse Alleyne crowned Miss Trinidad and Tobago 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 5 Pebrero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2022. Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  27. Ramdass, Rickie (9 Oktubre 2018). "Trouble brewing over Miss Universe delegate". Trinidad Express Newspapers (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Agosto 2022.
  28. "Thai fans fall for Miss Sierra Leone". Bangkok Post (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2018. Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  29. "Beauty queen disqualified for arriving late". The Times of India. 18 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2019. Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  30. Lang, Cady (17 Disyembre 2018). "Miss Spain is Miss Universe's First Transgender Competitor". Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  31. Castillo, Jackie; Regan, Helen (18 Disyembre 2018). "Miss Universe 2018: Catriona Gray, from the Philippines, claims crown as first transgender contestant fails to make top 20". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  32. White, Nancy (18 Mayo 2012). "Jenna Talackova, transgendered Miss Universe Canada contestant, shines in spotlight". Toronto Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  33. "25 Transgender People Who Influenced American Culture". Time (sa wikang Ingles). 29 Mayo 2014. Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  34. 34.00 34.01 34.02 34.03 34.04 34.05 34.06 34.07 34.08 34.09 34.10 34.11 34.12 34.13 34.14 34.15 34.16 34.17 34.18 34.19 34.20 "HIGHLIGHTS: Miss Universe 2018 coronation". Rappler (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2018. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
  35. Savankham, Francis (December 17, 2018). "On-anong Captures Costume Gong for Laos at Miss Universe 2018". Laotian Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong January 15, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  36. Severo, Jan Milo (13 Disyembre 2018). "Catriona Gray confirms changes in Miss Universe format". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2023.
  37. "'No live voting this year': Catriona Gray details new Miss Universe format". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2018. Nakuha noong 4 Setyembre 2022.
  38. 38.0 38.1 38.2 38.3 38.4 38.5 38.6 Tabanera, Lily Grace (13 Disyembre 2018). "For The First Time Ever, Miss Universe Will Have An All-Female Panel Of Judges!". Cosmopolitan Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  39. 39.0 39.1 39.2 39.3 39.4 39.5 39.6 Adel, Rosette (14 Disyembre 2018). "Two Filipinas join all-women selection committee for Miss Universe 2018". Philippine Star. Nakuha noong 14 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  40. "Miss Universe national costume presentation: Meet all the contestants". USA Today (sa wikang Ingles). 15 Disyembre 2018. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.
  41. "Trejsi Sejdini crowned Miss Universe Albania 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 8 Hunyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  42. ""Miss Universe Germany" Céline Willers: Stuttgarterin will "Miss Universe" werden". Stuttgarter Nachrichten (sa wikang Aleman). 21 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  43. "Ana Liliana Avião é a nova Miss Angola 2018". Angola24Horas (sa wikang Portuges). 30 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  44. "La escobarense Agustina Pivowarchuk es la nueva Miss Universo Argentina". El Día de Escobar (sa wikang Kastila). 15 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  45. "Kimberly Julsing crowned Miss Aruba 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 9 Hunyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  46. "'I didn't think this was the face Australia wanted to represent them': Francesca Hung crowned Miss Universe Australia 2018". Nine News (sa wikang Ingles). 29 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  47. "Miss Universe New Zealand 2018 Estelle Curd crowned at gala in Auckland's Sky City". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). 4 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  48. Gibson, Jeffarah (18 Setyembre 2018). "Danielle Grant casts off injury to become Miss Bahamas Universe". The Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  49. "Meghan Theobalds crowned Miss Barbados 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  50. "Jenelli Fraser is Miss Belize Universe 2018-2019". The San Pedro Sun (sa wikang Ingles). 27 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  51. "Miss Venezuela, Sthefany Gutiérrez: Sentí como si estuviese en el Poliedro". El Nacional (sa wikang Kastila). 11 Nobyembre 2017. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  52. "H'Hen Niê - 'viên ngọc đen' gây tranh cãi về nhan sắc hoa hậu". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 10 Enero 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  53. "Miss Brasil Mayra Dias se prepara para Miss Universo e defende representatividade". Marie Claire (sa wikang Portuges). 20 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  54. "2018 Miss Universe contestants display costumes during competition in Thailand". El Paso Times (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2018. Nakuha noong 19 Pebrero 2023.
  55. "Joyce Prado crowned Miss Universe Bolivia 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 24 Hunyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  56. Curiel, Luis (10 Setyembre 2018). "Akisha Albert koroná Miss Universe Curaçao 2018". Extra (sa wikang Papiamento). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  57. "Like Catriona: 2 Miss World 2016 beauties join Miss Universe". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  58. "PHOTOS: Nariman Khaled To Represent Egypt At Miss Universe 2018". Nile FM. 12 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2023. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  59. "La manabita Virginia Limongi se hace con la corona de Miss Ecuador 2018". El Periódico (sa wikang Kastila). 6 Mayo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  60. "Marisela De Montecristo crowned Reinado de El Salvador 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 18 Hunyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  61. "Barbora Hanová crowned Miss Universe Slovakia 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  62. "Miss Universe Spain crowns its first transgender queen, Angela Ponce". GMA News (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  63. Vulpo, Mike (22 Mayo 2018). "Miss Nebraska Sarah Rose Summers Crowned Miss USA 2018". E! Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  64. "Akpene Diata Hoggar wins Miss Universe Ghana Pageant 2018". Plus TV Africa (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  65. Blair, Olivia (23 Hulyo 2018). "Meet The First Black Woman Ever To Be Crowned Miss Universe Great Britain". Elle Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  66. "Ioanna Bella crowned Miss Universe Greece 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 2 Oktubre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  67. "Gallery: Miss Universe Guam 2018". Guam Daily Post (sa wikang Ingles). 17 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  68. "Mariana Garcia crowned Miss Universe Guatemala". The Times of India (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  69. "Emily Maddison is Miss Universe Jamaica 2018". The Gleaner (sa wikang Ingles). 25 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  70. "Yuumi Kato crowned Miss Universe Japan 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 20 Marso 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  71. "Samantha Colas dans la dernière ligne droite vers la finale de Miss Universe 2018". Le Nouvelliste (sa wikang Pranses). 13 Disyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  72. "Lara Yan: Preparing for Miss Universe 2018". Georgian Journal (sa wikang Heorhiyano). 6 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  73. "Miss Honduras Universo, un certamen de mucha belleza y elegancia". Diario El País (sa wikang Kastila). 1 Oktubre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  74. Sharma, Garvita (1 Setyembre 2018). "Mumbai's Nehal Chudasama is Yamaha Fascino Miss Diva Universe 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  75. "Sonia Fergina Citra to represent Indonesia at Miss Universe 2018". The Jakarta Post (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  76. "Local nurse takes Miss Universe Ireland crown". Derry Journal (sa wikang Ingles). 7 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  77. Spiro, Amy (3 Mayo 2018). "Miss Israel 2018: Nikol Reznikov". The Jerusalem Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  78. Palchetti, Elisa (12 Nobyembre 2018). "La romana di Ostia Antica Erica De Matteis rappresenterà l'Italia a Miss Universe". Il Faro Online (sa wikang Italyano). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  79. Ariadi, Rama (21 Mayo 2018). "Rern Nat hopes to win Cambodia's first Miss Universe crown". Khmer Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  80. "Windsor woman wins Miss Universe Canada 2018". CTV News (sa wikang Ingles). 20 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  81. Durand, Esther (2 Agosto 2018). "A'yana Phillips named Miss BVI 2018". BVI News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  82. "VI contestant enters preliminary Miss Universe competitions". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 4 Disyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  83. "Meet Miss Universe Cayman Islands 2018, Caitlin Tyson". The Caribbean Current (sa wikang Ingles). 2 Abril 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  84. "Miss Kazakhstan 2018 crowned in Astana". Kazinform (sa wikang Ingles). 1 Abril 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  85. "Wabaiya Kariuki crowned Miss Universe Kenya 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  86. "Begimay Karybekova Crowned Miss Universe Kyrgyzstan 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 13 Mayo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  87. "Valeria Morales wins Miss Colombia crown". EFE (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  88. Ilnica, Eduard (7 Hulyo 2018). "Zana Berisha në "Botërori +": Festova në Kosovë me familjen për golat e shqiptarëve". Shqiptarja (sa wikang Albanes). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  89. "Natalia Carvajal Sánchez crowned Miss Universe Costa Rica 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 28 Abril 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  90. "Mia Pojatina je Miss Universe Hrvatske 2018!". Nacionalno (sa wikang Kroato). 22 Abril 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  91. Yap, Jasmina (23 Hulyo 2018). "Miss Universe Laos 2018 Selected Without Contest". Laotian Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  92. "Maya Reaidy crowned Miss Lebanon 2018". Arab News (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  93. "Katrín Lea hreppti titilinn Miss Universe Iceland". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 22 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  94. "Jane Teoh Jun crowned Miss Universe Malaysia 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 12 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  95. "Law student crowned Miss Universe Malta". Times of Malta (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  96. "Varsha Ragoobarsing crowned Miss Universe Mauritius 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 9 Mayo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  97. Perez, Ruby (4 Hunyo 2018). "Conoce a Andrea Toscano: Ganadora de Mexicana Universal 2018". La Verdad (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  98. "Hnin Thway Yu Aung crowned Miss Universe Myanmar 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  99. "Model D.Dolgion to represent Mongolia at Miss Universe-2018". Montsame (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  100. "Selma Kamanya crowned Miss Namibia 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Pebrero 2023. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  101. "Manita Devkota crowned Miss Universe Nepal 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 13 Abril 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  102. "Aramide Lopez to Represent Nigeria at Miss Universe Pageant". Plus TV Africa (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  103. "Adriana Paniagua crowned Miss Nicaragua 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 26 Marso 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  104. Verstad, Anders Boine (10 Disyembre 2018). "Skal vise frem det samiske i «Miss Universe»". NRK (sa wikang Noruwegong Bokmål). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  105. Schuurmans, Floortje (10 Hulyo 2018). "Wauw! Dit is de mooiste vrouw van Nederland". Cosmopolitan (sa wikang Olandes). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  106. "La noche en que ganó Rosa Montezuma". Revista Ellas (sa wikang Kastila). 8 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  107. "María Belén irá al Miss Universo 2018". La Nación (sa wikang Kastila). 25 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  108. "Romina Lozano, Miss Perú 2018, revela etapa dura que vivió tras ser víctima de acoso". El Comercio (sa wikang Kastila). 1 Nobyembre 2017. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  109. "FULL LIST: Winners, Binibining Pilipinas 2018". Rappler (sa wikang Ingles). 18 Marso 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  110. Hurmas, Mira; Hapuli, Noora; Häkkilä, Taiga; Enqvist, Niina (29 Setyembre 2018). "Alina Voronkova on Miss Suomi 2018! Tuuletti villisti voittoaan". Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  111. "Miss Rincón es la nueva Miss Universe Puerto Rico". El Nuevo Día (sa wikang Kastila). 21 Setyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  112. "Conheça Filipa Barroso, a portuguesa que desfila pelo título de Miss Universo". Correio da Manhã (sa wikang Portuges). 10 Disyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  113. "Lea Šteflíčková Is the New Miss Czech Republic 2018". Prague Morning (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  114. Peralta, Félix (26 Agosto 2018). "Aldy Bernard es la nueva Miss República Dominicana Universo 2018". Listín Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  115. Lashkul, Nikita (14 Abril 2018). "Конкурс "Мисс Россия-2018" выиграла студентка и модель из Чувашии". Rossiyskaya Gazeta (sa wikang Ruso). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  116. Mwale, Zio (24 Agosto 2018). "Melba is Miss Universe Zambia". Zambia Daily Mail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  117. George, Micah (15 Setyembre 2018). "Will This Au Picon Beauty Angella Dalsou Be The Next Miss Universe?". The Voice St. Lucia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  118. Mohamad Rosli, Tatiana (1 Setyembre 2018). "Zahra Khanum crowned Miss Universe Singapore 2018". AsiaOne (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  119. Ragavan, Surekha (22 Hulyo 2020). "Sri Lankan influencer claims Unilever bullied her over objections to whitening product". PRWeek (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2022.
  120. "WATCH: Miss Denmark and Sweden shed tears of joy after Catriona Gray's win". Rappler (sa wikang Ingles). 27 Disyembre 2018. Nakuha noong 19 Pebrero 2023.
  121. "«Miss Universe 2018»: Jastina Doreen Riederer verpasst das Podest". Schweizer Illustrierte (sa wikang Aleman). 17 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  122. Mahavongtrakul, Melalin (28 Hulyo 2018). "Universally beautiful". Bangkok Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  123. Sefularo, Masechaba (28 Mayo 2018). "Tamaryn Green crowned Miss SA 2018". Eyewitness News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Mayo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  124. "Nhan sắc tân Hoa hậu Hoàn vũ, Hoa hậu Thế giới Hàn Quốc". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 23 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  125. "Andrea Diaz crowned Miss Universe Chile 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 20 Agosto 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  126. "Meisu Qin crowned Miss Universe China 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 5 Mayo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  127. "Tara Madelein De Varies crowned Miss Turkey Universe 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 26 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  128. "Karina Zhosan crowned Miss Universe Ukraine 2018". The Times of India (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
  129. "A semmiből jött szépségkirálynő: ő a Miss Universe Hungary 2018". NLC (sa wikang Unggaro). 15 Oktubre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  130. "Sofía Marrero será quien represente a Uruguay en Miss Universo 2018". NetUruguay (sa wikang Kastila). 6 Setyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)

Panlabas na kawing