Ang Miss Universe 1968 ay ang ika-17 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong 13 Hulyo 1968.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Sylvia Hitchcock ng Estados Unidos si Martha Vasconcellos ng Brasil bilang Miss Universe 1968.[1][2] Ito ang ikalawang na tagumpay ng Brasil sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Anne Braafheid ng Curaçao, habang nagtapos bilang second runner-up si Leena Brusiin ng Pinlandiya.[3][4]
Mga kandidata mula sa 65 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalawang pagkakataon, samantalang si June Lockhart ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[5][6]
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 65 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanyang kompetisyong pambansa, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.[7]
Mga pagpalit
Si Miss Australia 1968 Helen Newton ang orihinal na nakatakdang kumatawan sa bansang Australya sa edisyong ito. Gayunpaman, napagdesisyunan ng mga isponsor ng Miss Australia na huwag lumahok sa kompetisyon, dahilan upang hindi sumali sa kompetisyon si Newton dahil sa kakulangan ng isponsor.[8] Dahil dito, ang karapatan upang pumili ng kandidata sa Miss Universe ay napunta sa Queen of Quests. Si Lauren Jones ang nanalo bilang Queen of Quests Dream Girl Australia.[9] Iniluklok ang second runner-up ng Miss France 1968 na si Elizabeth Cadren bilang kandidata ng Pransiya matapos na pinili ni Miss France 1968 Christiane Lillio na huwag sumali sa kahit anong internasyonal na kompetisyon.[10][11]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Konggo-Kinshasa, Malta, at Yugoslavia, at bumalik ang mga bansang Australya, Ceylon, Ekwador, Hayti, Hamayka, Libano, Nikaragwa, Taylandiya, at Tunisya. Huling sumali noong 1962 ang Hayti, noong 1965 ang Australya at Tunisya, at noong 1966 ang Ceylon, Ekwador, Hamayka, Libano, Nikaragwa, at Taylandiya. Hindi sumali ang mga bansang Kuba, Panama, at Paragway sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[12]
Mga insidente sa panahon ng kompetisyon
Naging usap-usapan ang evening gown ni Monica Fairall ng Timog Aprika sa paunang kompetisyon na dinaluhan ng 2,100 katao. Ang sequined gown ng kandidata ay may hati sa likod na lagpas sa kanyang baywang at mas mababa pa sa kanyang damit panglangoy.[13] Dahil labag sa batas ang ganoong kasuotan sa panahong iyon, pinayuhan si Fairall ni Miss Universe 1967 Sylvia Hitchcock at ng mga pageant organizer na huwag nang gamitin muli ang naturang kasuotan at gamitin na lang ang isa pa niyang gown. Ayon sa executive director ng Miss Universe na si Herbert Landon, wala sa konteksto ng kompetisyon para isuot ang anumang bagay na masyadong sukdulan. Ayon naman kay Fairall, hindi niya intensyon na pilitin ang kanyang sarili sa mga hurado at hindi magandang ideya na muling suotin ang nasabing gown.[14][15]
Tulad noong 1966, 15 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Ang 15 mga semifinalist ay isa-isang tinawag sa pangwakas na kompetisyon sa walang partikular na pagkakasunud-sunod. Matapos banggitin ang kanilang bansa, isa-isang nakipanayam ang mga semifinalist kay Bob Barker. Pagkatapos nito, kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 15 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[18]
↑"The Hartford Courant TV Week". Hartford Courant (sa wikang Ingles). 7 Hulyo 1968. p. 124. Nakuha noong 19 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Miss Israel crowned". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 7 Hunyo 1968. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2022. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.
↑"Helen is not sorry to miss Universe contest". Straits Budget (sa wikang Ingles). 21 Pebrero 1968. p. 16. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑ 9.09.1Brown, Loraine (3 Hulyo 1968). "Surf-and-sand theme in contest wardrobe". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). p. 3. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Backless gown out". The Oneonta Star (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1968. p. 1. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑ 16.016.1"Brazilian is judged fairest". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1968. p. 3. Nakuha noong 10 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Untitled". Aruba Esso News (sa wikang Ingles at Papiamento). 12 Hulyo 1968. p. 3. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
↑"A ride for "Miss Bahamas"". The Carolinian (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1968. p. 13. Nakuha noong 19 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng DigitalNC.
↑"See? They're only human". The San Francisco Examiner (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1968. p. 7. Nakuha noong 19 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Leg display is universal". Reading Eagle. 27 Hunyo 1968. p. 8. Nakuha noong 10 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss U.S.A. wanted money for schooling". The Knoxville News-Sentinel (sa wikang Ingles). 20 Mayo 1968. p. 13. Nakuha noong 19 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Windblow beauties gather". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 5 Hulyo 1968. pp. 9-B. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
↑Bounia, Alkinoo (11 Setyembre 2019). "Πού χάθηκε η Μιράντα Ζαφειροπούλου" [Where did Miranda Zafiropoulou go?]. Espressonews.gr (sa wikang Griyego). Nakuha noong 12 Disyembre 2022.
↑Jolicoeur, Aubelia (7 Hulyo 1968). "Au fil des jours". Le Nouvelliste (sa wikang Pranses). p. 1. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
↑"Pageant means meeting budget". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 1968. pp. 2-B. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
↑"New 'Queen of Israel'". The American Jewish World (sa wikang Ingles). 7 Hunyo 1968. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2022. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.
↑Harvey, Helen (25 Enero 2014). "Homegrown heroines". Stuff (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
↑"„Man niet al te makkelijk maken"". De Telegraaf (sa wikang Olandes). 10 Agosto 1968. p. 25. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.