Ang Miss Universe 1966 ay ang ika-15 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Hulyo 16, 1966.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Apasra Hongsakula ng Taylandiya si Margareta Arvidsson ng Suwesya bilang Miss Universe 1966.[2][3] Ito ang pangalawang tagumpay ng Suwesya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Satu Charlotta Östring ng Pinlandiya, habang nagtapos bilang second runner-up si Cheranand Savetanand ng Taylandiya.[4][5]
Mga kandidata mula sa 58 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Jack Linkletter ang kompetisyon, samantalang sina Pat Boone at June Lockhart ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[6][7] Ito ang unang edisyon na ipapalabas sa telebisyon gamit ang colorcast.[8]
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 58 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanyang kompetisyong pambansa,[9] at isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Dominion of Canada 1966 na si Marjorie Schofield upang kumatawan sa kanyang bansa matapos magkasakit si Miss Dominion of Canada 1966 Diane Coulter.[10]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Guam at Guyana, at bumalik ang mga bansang Arhentina, Libano, Moroko, Singapura, Suriname, Trinidad at Tobago, at Tsile. Huling sumali noong 1962 ang Libano at Singapura, noong 1963 ang Moroko, at noong 1964 ang Arhentina, Surinam at Trinidad at Tobago bilang Trinidad. Hindi sumali ang mga bansang Australya, British Guiana, Hong Kong, Mehiko, Portugal, Republikang Dominikano, Tunisya, at Urugway. Hindi sumali ang British Guiana matapos nitong lumaya sa Reyno Unido bilang bansang Guyana. Hindi sumali ang mga bansang Australya, Hong Kong, Mehiko, Portugal, Republikang Dominikano, Tunisya, at Urugway matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Simula sa edisyong ito, imbis na ipinakilala ang 15 mga semifinalist sa paunang kompetisyon, ang 15 mga semifinalist ay isa-isang tinawag sa pangwakas na kompetisyon sa walang partikular na pagkakasunud-sunod. Matapos banggitin ang kanilang bansa, isa-isang nakipanayam ang mga semifinalist kay Jack Linkletter. Pagkatapos nito, kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 15 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[14][15]
Komite sa pagpili
Sigvard Bernadotte – Konde ng Wisborg, dating Prinsipe ng Suwesya
Anthony Delano – manunulat na Ingles, foreign correspondent ng Daily Mirror
↑"Meet Miss Universe– a beauty from Sweden". The Pocono Record (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1966. p. 7. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Zweedse Miss Heelal". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 18 Hulyo 1966. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑Wikler, Revy (22 Hulyo 1966). "Title Elusive, But Israeli Distinguishes Herself". The Indiana Jewish Post and Opinion (sa wikang Ingles). p. 3. Nakuha noong 15 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.
↑"La mas fotogenica...?". El Tiempo (sa wikang Kastila). 13 Hulyo 1966. p. 10. Nakuha noong 15 Disyembre 2022.
↑"Charming Miss Sandra". Aruba Esso News (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1966. p. 5. Nakuha noong 16 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
↑"German gal gets Bahamas crown". The Journal Herald (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1966. p. 2. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 12 Disyembre 2022.
↑"Miss Bermuda leaves for Miami". The Bermuda Recorder (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1966. p. 1. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
↑Byers, Bill (16 Hunyo 1966). "'Big title' odds good". The Decatur Daily Review (sa wikang Ingles). p. 20. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Night out a 'gasser' for cuties". The Miami Herald (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1966. p. 79. Nakuha noong 14 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"From doctors to beauty queens". The Times of India (sa wikang Ingles). 24 Hunyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2022. Nakuha noong 11 Disyembre 2022.
↑"Our country's finest!". Daily Echo (sa wikang Ingles). 15 Pebrero 2010. Nakuha noong 15 Disyembre 2022.
↑"Í spegli timans". Tölublað (sa wikang Islandes). 20 Hulyo 1966. p. 3. Nakuha noong 16 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
↑"Miss Universe beauties". The Tampa Tribune (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1966. p. 21. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Oriental upset". The Tennessean (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1966. p. 5. Nakuha noong 14 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Margaret wins 'most lovely' girl title". The Straits Times (sa wikang Ingles). 13 Hunyo 1966. p. 4. Nakuha noong 14 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.