Ang Miss Universe 1980 ay ang ika-29 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Sejong Cultural Center, Seoul, Timog Korea noong 8 Hulyo 1980.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Maritza Sayalero ng Beneswela si Shawn Weatherly ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1980.[3][4] Ito ang ikalimang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon.[5][6] Nagtapos bilang first runner-up si Linda Gallagher ng Eskosya, habang nagtapos bilang second runner-up si Delyse Nottle ng Nuweba Selandiya.[7][8]
Mga kandidata mula sa 69 na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalabing-apat na pagkakataon, samantalang sina Helen O'Connell at Jayne Kennedy ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[9][10] Nagtanghal sina Donny Osmond at ang National Folk Ballet of Korea sa edisyong ito.[11][12]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong 15 Enero 1980, sinabi ng City Commissioner ng Miami na si Armando Lacasa sa Metro Tourist Development Council na nangako ang mga organizer ng Miss Universe Inc. na gaganapin ang kompetisyon sa Miami sa Hulyo. Gayunpaman, hindi interesado ang mga opisyal na ibalik ang kompetisyon sa lungsod dahil ayon sa mga opisyal, hindi na naaayon ang kompetisyon sa mga kagustuhan ng mga residente ng Miami.[13]
Noong Pebrero 25, 1980, inimbitahan si Kim Jhoong-key, business director ng Hankook Ilbo-Korea Times Group, sa isang tanghalian kasama sina Maj. Gen. Chun Doo-hwan ng ROK Army Security Command at ang noo'y tagapangulo ng Hankook Ilbo-Korea Times Group na si Chang Kang-jae upang pag-usapan ang posibilidad na idaos ang Miss Universe sa Timog Korea. Natuwa si Chun nang malaman niya kay Kim na may posibilidad ang Hankook Ilbo na i-host ang kompetisyon. At pinapunta nito si Kim sa New York upang kausapin ang pangulo ng Miss Universe Inc. na si Harold Glasser.[14]
Isang araw matapos ang tanghalian, lumipad si Kim papunta sa New York upang makipagkita kay Glasser, at pumayag ito na idaos ang kompetisyon sa Timog Korea sa Hulyo 8.[1] Dahil ang bid ng Timog Korea ay nangyari apat na buwan bago ang kompetisyon, binigay ng Miss Universe Inc. si Kim ng diskwento na $320,000 USD sa hosting charge.[14]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 69 na mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Dapat sanang kakalahok bilang kinatawan ng Pransiya si Miss France 1980 Thilda Fuller. Gayunpaman, bumitaw sa puwesto si Fuller tatlong araw matapos ang kanyang koronasyon at pinalitan ito ng kanyang first runner-up na si Patricia Barzyk.[15] Binigyan naman ng espesyal na titulo si Fuller bilang Miss France Overseas 1980 at kinatawan ang Tahiti sa kompetisyon.[16] Dahil labing-anim taong gulang lang si Barzyk, hindi ito lumahok sa Miss Universe dahil hindi siya nakaabot sa age requirement. Dahil dito, iniluklok ng Miss France Organization si Brigitte Choquet, isa sa mga kandidata ng Miss France 1980, umang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe.[17]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Hindi sumali ang mga bansang Antigua, Barbados, Bophuthatswana, El Salvador, Mawrisyo, Pidyi, Portugal, San Cristobal, San Vicente at ang Granadinas, Suriname, Timog Aprika, at Transkei sa edisyong ito. Hindi sumali sina Jacobeth Lolo Matale ng Bophuthatswana, Jenny Kay ng Timog Aprika, at Lindelwa Myataza ng Transkei dahil hindi nabigyan ang mga ito ng visa dahil sa mga dahilang politikal. Hindi sumali sina Christiane Carol MacKay ng Mawrisyo at Margaret Singh ng Pidyi dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Antigua, Barbados, El Salvador, Portugal, San Cristobal, San Vicente at ang Granadinas, at Suriname matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang kakalahok si Bernice Tembo ng Namibya, subalit hindi ito nakasali dahil hindi ito nabigyan ng visa dahil sa mga dahilang politikal.[18] Hindi rin nakasali si Georgia Christodolidou ng Tsipre dahil sa personal na dahilan.
Tulad noong 1971, 12 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[25]
Komite sa pagpili
George Maharis – Amerikanong aktor
Oh Che Qum – Tagapangulo ng lupon ng Korean Community School Association at Language Teaching Foundation
Ron Duguay – Manlalaro sa NHL
Luis Maria Anton – Awtor at pangulo ng Press Association ng Espanya
Kiyoshi Hara – Pangulo ng Asahi Broadcasting Corporation
Eileen Ford – Amerikanong aktres at co-founder ng Ford Models
Dong Kingman – Pintor na Intsik-Amerikano
Margaret Gardiner – Miss Universe 1978 mula sa Timog Aprika
Richard Roundtree – Amerikanong aktor
Max Boston – Musikero at television executive
Abigail Van Buren – Amerikanong manunulat at kolumnista
Jung Il-Yung – Miyembro ng Batasang Pambansa ng Timog Korea
↑"Miss Universe". The Tuscaloosa News (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 3. Nakuha noong 7 Marso 2023.
↑"Five on top of the universe". The Straits Times (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Miss Universe 1980". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 1. Nakuha noong 7 Marso 2023.
↑"Untitled". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 2. Nakuha noong 7 Marso 2023.
↑Doig, Stephen (16 Enero 1980). "Expensive Date". Miami Herald (sa wikang Ingles). p. 128. Nakuha noong 12 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Karen's surprise at Miss UK result". The Journal (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 25 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"War was a shaky subject". Pacific Daily News (sa wikang Ingles). 29 Hulyo 1980. p. 17. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑Roach, Tregenza (19 Hulyo 1980). "Miss Us Virgin Islands Returns From Korea". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). p. 9. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Utan tilþátttöku í Miss Universe". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 17 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 18 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
↑"Making a hit at a parade!". The Straits Times (sa wikang Ingles). 23 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Obregon, Amelia (23 Mayo 2022). "Las sonorenses de Miss Universo" [The Sonorans of Miss Universe]. El Imparcial (sa wikang Kastila). Nakuha noong 23 Abril 2023.
↑"Queen doubts chance". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 1 Mayo 1980. p. 3. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Miss Billen rust bij repetities" [Miss Billen is resting at rehearsals]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 5 Hulyo 1980. p. 7. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Beauties and Angels meet". The Straits Times (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 1. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.