Ang Miss Universe 1965 ay ang ika-14 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Hulyo 24, 1965.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Corinna Tsopei ng Gresya si Apasra Hongsakula ng Taylandiya bilang Miss Universe 1965.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Taylandiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Virpi Miettinen ng Pinlandiya, habang nagtapos bilang second runner-up si Sue Downey ng Estados Unidos.[4][5]
Mga kandidata mula sa 56 na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Jack Linkletter ang kompetisyon, samantalang sina John Charles Daly at Sally Ann Howes ang nagsilbing mga backstage correspondent.[6][7][8]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Inanunsyo ng Miss Universe Organization na imbis na magkasunod na gaganapin ang Miss USA at Miss Universe pageant, magkakaroon ng pitong linggong pagitan ang dalawang kompetisyon. Ang Miss USA pageant ay gaganapin sa Hunyo 4, samantalang ang Miss Universe ay gaganapin sa Hulyo 24, 1965. Bagama't may hiwalay na produksyon ang dalawang kompetisyon, gaganapin pa rin sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida ang dalawang kompetisyon.[9]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 56 na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo.[10]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Unang sumali sa edisyong ito ang teritoryong Bermuda, at bumalik ang mga bansang Kuba, Mehiko, Portugal, at Taylandiya. Huling sumali noong 1959 ang Mehiko at Taylandiya, noong 1962 ang Portugal, noong 1963 ang Kuba. Hindi sumali ang mga bansang Arhentina, Grenada, Niherya, Republikang Dominikano, Republika ng Tsina, San Vicente, Surinam, Trinidad, at Tsile sa edisyong ito. Umurong sa kompetisyon si Miss Argentina 1965 Mabel Azucena Caffarone matapos nitong bumalik sa lungsod ng Buenos Aires dahil nagkaroon ito ng intestinal infection at kinakailangang manatili sa ospital sa loob ng isang linggo.[11][12] Papalitan sana siya ng kanyang first runner-up na si Nelida Jukna, ngunit huli na nang pumalit ito dahil naganap na ang paunang kompetisyon.[13] Hindi sumali ang mga bansang Grenada, Niherya, Republikang Dominikano, Republika ng Tsina, San Vicente, Suriname, Trinidad, at Tsile matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[14]
↑"Miss Universe Contest begins in Florida". The Post-Crescent (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1965. p. 11. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑ 3.03.1"Thai girl wins title". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1965. p. 1. Nakuha noong 13 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑McLellan, Dennis (20 Disyembre 2007). "Jack Linkletter: 1937 - 2007". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Disyembre 2022.
↑Gardella, Kay (30 Mayo 1965). "Sally acts as hostess on TV beauty pageant". Daily News (sa wikang Ingles). p. 103. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑Royal, Don (23 Mayo 1965). "Miami hosts two beauty pageants". The Orlando Sentinel (sa wikang Ingles). p. 103. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Trouble among the world beauties". Liverpool Echo (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1965. p. 19. Nakuha noong 16 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Miss England reported ill". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1965. p. 49. Nakuha noong 4 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Both cry: We Wuz Robbed". Daily News (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1965. p. 123. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Aspa, 21, is crowned Miss Greece". The Straits Times (sa wikang Ingles). 27 Hunyo 1965. p. 7. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Lucky Ann!". The People (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 1964. p. 7. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"A new beauty arrives". B'nai B'rith Messenger (sa wikang Ingles). 6 Agosto 1965. p. 8. Nakuha noong 10 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.
↑"A fall during practice". The Jackson Sun (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1965. p. 7. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Miss Malaysia at Miami pageant". The Straits Times (sa wikang Ingles). 4 Agosto 1965. p. 12. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Beauty in search of dad she never met". The Straits Times (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1965. p. 11. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Among 15 semifinalists". The Californian (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1965. p. 12. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑Valentín Feliciano, Javier (15 Pebrero 2020). "Aquella Reina de 1965..."Fundación Nacional para la Cultura Popular (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Disyembre 2022.
↑"Good morning". The Cincinnati Enquirer (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1965. p. 1. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.