Ang Miss Universe 2008 ay ang ika-57 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Crown Convention Center sa Nha Trang, Biyetnam noong 14 Hulyo 2008. Ito ang unang pagkakataon na isinahimpapawid ang Miss Universe sa 1080i high-definition.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Riyo Mori ng Hapon si Dayana Mendoza ng Beneswela bilang Miss Universe 2008. Ito ang ikalimang tagumpay ng bansa sa kasaysayan ng kompetisyon.[2] Nagtapos bilang first runner-up si Taliana Vargas ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Marianne Cruz ng Republikang Dominikano.[3]
Mga kandidata mula sa walumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Jerry Springer at miyembro ng UK pop group na Spice Girls na si Mel B ang kompetisyon.[4] Nagtanghal si Lady Gaga ay sa edisyong ito.[5][6]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong Agosto 2007, bumisita ang mga kinatawan ng Miss Universe Organization sa mga lungsod na nag-bid upang idaos ang kompetisyon tulad ng Dubai at Hanoi upang suriin kung ang mga lungsod na ito ay maaaring pagdausan ng Miss Universe. Sa kanilang pananatili sa Biyetnam, bumisita rin sa mga lungsod ng Nha Trang at Da Lat ang pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart.[7]
Noong 26 Setyembre 2007, inaprubahan ng pamahalaan ng Biyetnam ang panukala ni Khánh Hòa na mag-host ng pageant sa Nha Trang noong Mayo 2008.[8][9] Ito ang unang malaking television production na nakabase sa Estados Unidos sa Biyetnam mula noong natapos ang Digmaang Biyetnam. Noong 27 Nobyembre 2007, opisyal na inihayag ng Miss Universe Organization sa Sheraton Hotel sa Lungsod ng Ho Chi Minh na magaganap ang kompetisyon sa Diamond Bay Resort sa Nha Trang sa 14 Hulyo 2008. [10]
Itinayo ang Crown Convention Center, isang 7,500-seat indoor arena na may lawak na 10,000 metro-kwadrado, para sa pageant.[11] Matatagpuan ito sa Diamond Bay Resort at binuksan noong 30 Hunyo, 2008. Ito ang ikatlong pinakamalaking convention center sa Timog-silangang Asya.[12][13]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa walumpung bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang napili matapos maging runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa, at anim na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Estonia 2008 na si Julia Kovaljova bilang kandidata ng kanilang bansa upang palitan si Miss Estonia 2008 Kadri Nõgu dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[14][15] Iniluklok si Claudia Moro bilang kinatawan ng Espanya sa edisyong ito dahil hindi nakaabot sa age requirement si Miss Spain 2008 Patricia Yurena Rodríguez. Kalaunan ay lumahok si Rodriguez makalipas ang limang taon.[16][17] Natanggalan ng titulo ang orihinal na Miss Georgia 2007 na si Nino Likuchova matapos ibunyag na sya ay 16 na taong gulang lamang at kasal na.[18][19] Papalitan sana siya ng kanyang runner-up na si Nino Lekveishvili, ngunit si Lekveishvili ay kasal na rin. Kalaunan ay iniluklok si Gvantsa Daraselia upang kumatawan para sa Heorhiya sa Miss Universe.[20] Iniluklok ang second runner-up ng Miss France 2008 na si Laura Tanguy upang kumatawan sa kayang bansa matapos lumabas sa publiko ang mga mapagpahiwatig na litrato ni Miss France 2008 Valérie Bègue na siyang dahilan kung bakit hindi siya pinayagang lumahok sa kahit anong internasyonal na kompetisyon.[21][22] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Russia 2007 na si Vera Krasova upang kumatawan sa kanyang bansa dahil pinili ni Miss Russia 2007 Ksenia Sukhinova ang kanyang pag-aaral.[23] Iniluklok ang second runner-up ng Miss Serbia 2007 Bojana Borić upang kumatawan sa Serbiya matapos bumitiw si Zorana Tasovac dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[24]
Mga unang sali, pagbalik, at mga pag-urong
Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Kosobo at bumalik ang mga bansang Guam na huling sumali noong 2000, Biyetnam at Olanda noong 2005, at Gana, Gana, Irlanda, Kapuluang Karhen, Kapuluang Kayman, Reyno Unido, Sri Lanka, Trinidad at Tobago, at Turkiya noong 2006. Hindi sumali ang mga bansang Barbados, Belis, Bulgarya, Guyana, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Libano, Sambia, at Santa Lucia sa edisyong ito. Hindi sumali sa Tanisha Vernon ng blis dahil sa panloob na isyu sa pagitan niya at ng kanyang pambansang organisasyon.[25] Hindi lumahok ang mga bansang Barbados,[26] Bulgarya, Guyana, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Libano, Sambia, at Santa Lucia sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Tulad noong 2007, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition ang dalawampung mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semi-finalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final walk.[28][29]
↑"VN là chủ nhà cuộc thi Hoa hậu Hoàn vũ 2008" [Vietnam is the host of the Miss Universe 2008 contest]. VnExpress (sa wikang Biyetnames). 27 Nobyembre 2007. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑"Beauty In The East". CBS News (sa wikang Ingles). 20 Hunyo 2008. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1703: attempt to index field '?' (a nil value).
↑Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1703: attempt to index field '?' (a nil value).
↑"Miss Tenerife es coronada Miss España" [Miss Tenerife is crowned Miss Spain]. Canarias7 (sa wikang Kastila). 2 Marso 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2008. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑Andino, Allan (25 Setyembre 2007). "Reina de las Chamas". Al Día (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2008. Nakuha noong 5 Marso 2024.
↑Barba, Rildo (22 Pebrero 2008). "Katherine David, Miss Bolivia Universo" [Katherine David, Miss Bolivia Universe]. El Deber. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2008. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑"Λαμπερός 19ος Διαγωνισμός Ομορφιάς" [Glamorous 19th Beauty Pageant]. ANT1 (sa wikang Griyego). 27 Mayo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 May 2008. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑Godfrey, Tom (29 Abril 2008). "She's a real beauty, eh!". Toronto Sun (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 May 2008. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1703: attempt to index field '?' (a nil value).
↑Krijnen, Leon (12 Hulyo 2008). "'Wow, wat een mooie vrouw'" ['Wow, what a beautiful woman']. BN DeStem (sa wikang Olandes). Nakuha noong 5 Marso 2024.
↑Manuel Vega Loo, Crisly Florez (10 Hulyo 2008). "Carolina, una de las favoritas" [Carolina, one of the favorites]. La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Marso 2024.
↑"Ayer, Miss Paraguay arribó a Vietnam" [Yesterday, miss Paraguay arrived in Vietnam]. ABC Color (sa wikang Kastila). 23 Hunyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2024. Nakuha noong 5 Marso 2024.
↑Hilario, Yohanna (4 Disyembre 2007). "Marianne Cruz, la nueva Miss RD Universo 2008" [Marianne Cruz, the new Miss RD Universe 2008]. Diario Libre (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2007. Nakuha noong 25 Enero 2023.
↑"Českou Miss 2008 se stala Eliška Bučková" [Eliška Bučková became Czech Miss 2008]. Novinky.cz (sa wikang Tseko). 1 Pebrero 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2023. Nakuha noong 25 Enero 2023.