Ang Miss Universe 2014 ay ang ika-63 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa FIU Arena sa Miami, Florida Estados Unidos noong 25 Enero 2015.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gabriela Isler ng Beneswela si Paulina Vega ng Kolombya bilang Miss Universe 2014. Ito ang ikalawang tagumpay ng Kolombya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Nia Sanchez ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Harkusha ng Ukranya.[3][4]
Mga kandidata mula sa walumpu't-walong mga bansa at teritoryo ang lumahok sa edisyong ito. Pinangunahan ni Thomas Roberts at Natalie Morales ang kompetisyon, samantalang nagsilbi bilang mga backstage correspondent si Jeannie Mai.[5][6] Nagtanghal sina Prince Royce, Nick Jonas, at Gavin DeGraw sa edisyong ito.[7][8] Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong DIC Crown na nagkakahalaga ng $300,000.[9][10]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Nagsimula noong huling bahagi ng Setyembre 2013 ang mga negosasyon sa pagitan ng Kalihim ng Turismo ng Ceará sa Brazil at ng Miss Universe Organization, nang lumipad sa Fortaleza ang mga opisyales ng Miss Universe Organization upang simulan ang mga pag-uusap at pagsasaayos ng mga aktibidad para sa pageant. Ibinunyag ni Bismarck Maia, Kalihim ng Turismo ng Estado, sa pahayagan ng Fortaleza na Diário do Nordeste noong 11 Enero 2014 na ang pageant ay gaganapin sa Centro de Eventos do Ceará sa Fortaleza.[11][12]
Noong 27 Marso 2014, tumugon sa pamamagitan ng isang sulatroniko si Annette Cammer, national licensing director ng Miss Universe Organization, sa isang tanong ng isang national director, na ang Miss Universe 2014 ay hindi na gaganapin sa Fortaleza, gaya ng ipinangako ng mga lokal na awtoridad. Opisyal nang tinapos ng Fortaleza ang kanilang bid upang idaos sa kanilang lungsod ang kompetisyon noong 20 Mayo, at apat na lungsod sa Brasil ang kanilang pinapalagay upang pumalit sa Fortaleza: Rio de Janeiro, Ribeirão Preto, Porto Alegre, at Manaus.[13]
Noong 22 Agosto, nag-post si Donald Trump sa Twitter na nagsasaad na ang Miami at iba pang mga lungsod ay "naglalaban nang husto upang idaos angpageant", at ang pag-anunsyo sa magiging host city ng pageant ay gagawin sa lalong madaling panahon. Ang partikular na pagbanggit ng lungsod ng Miami ay nag-udyok sa marami sa mga manonood ng pageant na maniwala na ang pageant ay idadaos sa lungsod sa unang pagkakataon mula noong 1997. Noong 9 Setyembre, ang mga pahayagang El Nuevo Dia ng Porto Riko, at El Nacional ng Beneswela ay naglimbag ng isang artikulo na nagsasabing ang mga kalahok ay mananatili sa isang hotel na pag-aari ni Trump sa Miami.[14][15]
Noong 12 Setyembre, inanunsyo ng noo'y alkalde ng Miami na si Luigi Boria na ang kompetisyon ay gaganapin sa 18 Enero 2015 sa Doral.[16] Noong Oktubre, inanunsyo ng Miss Universe Organization sa kanilang website na magaganap ang kompetisyon sa FIU Arena, Miami, Florida sa 25 Enero 2015, imbis na sa 18 Enero.[17]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa walumpu't-walong mga mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at pitong kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga iniluklok
Dahil nagkaroon ng salungatan sa iskedyul ng Miss Universe 2015 at Miss France 2016 kung saan obligadong dumalo si Miss France 2015 Camille Cerf ayon sa kanyang kontrata, at dahil sa kakatapos lang ng Miss World 2014 na naganap sa Reyno Unido na sinalihan ni Miss France 2014 Flora Coquerel, iniluklok si Miss France 2015 upang lumahok sa edisyong ito imbis na si Coquerel. Si Coquerel ay lumahok sa sumunod na edisyon.[18] Iniluklok ang second runner-up ng Miss Polonia 2011 na si Marcela Chmielowska upang kumatawan sa kanyang bansa dahil sa salungatan sa iskedyul ng Miss Universe 2014 at Miss Polonia 2014 na naganap noong Disyembre 2014.[17]
Mga pagpalit
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Belgium 2014 na si Anissa Blondin upang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe matapos bumitiw ni Miss Belgium 2014 Laurence Langen dahil sa mga personal na dahilan.[19] Iniluklok si Anđelka Tomašević upang pumalit kay Arnela Zeković bilang kandidata ng Serbya sa edisyong ito dahil sa mga personal na dahilan.[20][21] Iniluklok ang second runner-up ng Miss Universe Tanzania 2014 na si Nale Boniface upang kumatawan sa kanya matapos maaksidente ang orihinal na nagwagi na si Carolyne Bernard.[22] Dapat sanang lalahok si Rolene Strauss sa Miss Universe at Miss World. Gayunpaman, dahil nagwagi na si Strauss bilang Miss World 2014,[23][24] siya ay pinalitan ng first runner-up ng Miss South Africa na si Ziphozakhe Zokufa upang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe.[25] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Thailand na si Pimbongkod Chankaew, matapos bumitiw ng orihinal na nagwagi na si Weluree Ditsayabut matapos nitong i-post sa kanyang social media na dapat bitayin ang mga taga-suporta ng Punong Ministro ng Taylandiya.[26][27] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe China na si Hu Yanliang matapos bumitiw ang orihinal na nagwagi na si Nora Xu dahil napagdesisyunan nito na ipagpatuloy na lamang ang kanyang pag-aaral. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Ukraine 2014 na si Diana Harkusha matapos bumitiw ng orihinal na nagwagi na si Anna Andres dahil sa mga personal na dahilan.[28]
Mga unang pagsali at pag-urong sa kompetisyon
Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Kenya na huling sumali noong 2005, Ehipto at Portugal na huling sumali noong 2011, at Albanya, Heyorhiya, Irlanda, Kosobo, Santa Lucia, at Urugway na huling sumali noong 2012. Hindi sumali ang second runner-up ng Miss Vietnam 2014 na si Nguyễn Lâm Diễm Trang na dapat sanang iluluklok bilang kinatawa ng kanyang bansa dahil sa kakulangan sa oras para maghanda para sa patimpalak.[29] Hindi sumali ang mga bansang Aserbayan, Botswana, Dinamarka, Estonya, Namibya, at Rumanya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Mula sa labing-anim ng nakaraang taon, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semifinalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semifinalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final walk.[30]
Komite sa pagpili
Paunang kompetisyon
Lloyd Boston – Amerikanong Fashion guru, at tanyag na tao sa telebisyon[33]
Azucena Cierco – Mehikanong aktres, koresponden para sa Telemundo, at tanyag na tao sa telebisyon[33]
Jeneine Doucette-White – Bureau manager sa Access Hollywood[33]
↑Fontes, Luis (9 Nobyembre 2013). "Venezuelana ganha coroa de Miss Universo" [Venezuelan wins Miss Universe crown]. Diario de Noticias (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-05. Nakuha noong 5 Nobyembre 2023.
↑"Miami podría ser sede de Miss Universe 2014" [Miami could host Miss Universe 2014]. El Nuevo Dia (sa wikang Kastila). 9 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2014. Nakuha noong 3 Setyembre 2023.
↑"Việt Nam hết người đẹp thi đấu trường quốc tế?" [Vietnam runs out of beauties competing in international competitions?]. Pháp Luật Thành phố Hồ Chí Minh (sa wikang Biyetnames). 18 Disyembre 2014. Nakuha noong 3 Nobyembre 2023.
↑"Zuleica prepara Miss Universo". Jornal de Angola (sa wikang Portuges). 8 Agosto 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2022. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.
↑"Miss Egypt 2014 is Lara Debbana". The Times of India (sa wikang Ingles). 27 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2022. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.
↑Rowe, Marcia (1 Setyembre 2014). "Queen Fennell". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Oktubre 2022.
↑"辻恵子さん、ミス・ユニバース日本代表に" [Keiko Tsuji to be Miss Universe Japan representative]. Ryūkyū Shimpō (sa wikang Hapones). 24 Oktubre 2014. Nakuha noong 8 Abril 2023.
↑Morales, Michelle (16 Marso 2014). "Marline Barberena es Miss Nicaragua 2014" [Marline Barberena is Miss Nicaragua 2014]. La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Abril 2023.
↑Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1703: attempt to index field '?' (a nil value).
↑Heslin, Nancy (12 Enero 2022). "Hemp and Pageantry". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2022. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.