Ang Miss Universe 2005 ay ang ika-54 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Impact Arena, Bangkok, Taylandiya noong 31 Mayo 2005.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Jennifer Hawkins ng Australya si Natalie Glebova ng Kanada bilang Miss Universe 2005.[1][2] Ito ang ikalawang tagumpay ng Kanada sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Cynthia Olavarría ng Porto Riko, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Renata Soñé ng Republikang Dominikano.[3][4]
Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Nancy O'Dell ang kompetisyon.[5]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Isinapubliko ng Taylandiya ang pag-bid nito para ganapin sa bansa ang patimpalak noong 10 Hulyo 2004, habang binibisita ni Miss Universe 2004 Jennifer Hawkins ang nasabing bansa. Kinokonsidera rin upang pagdausan ng kompetisyon ang mga bansang Gresya, Tsile, at Tsina noong mga panahong iyon.[6] Isang buwan ang makalipas nang inanunsyo na napili ang Bangkok bilang host city ng Miss Universe sa halagang USD $6.5 milyon na siyang pinondohan ng pamahalaan ng Taylandiya. Mabagal ang pamahalaan ng Taylandiya sa pagbigay ng mga ipinangakong pondo na siyang nagpigil sa mga inaasahang mga isponsor.[7] Ito ang nag-udyok kay Punong Ministro Thaksin Shinawatra na personal na tumulong upang hindi maudlot ang mga plano.
Noong Pebrero 2005, matapos kumpirmahin ng pamahalaan ng Taylandiya na planong nilang pondohan ang pageant, pinabulaanan ng kanilang Deputy Prime Minister ang mga pahayag na magaganap ang pageant sa Khao Lak, isang lungsod na nawasak sa tsunami sa Karagatang Indiyano noong 2004, ngunit kinumpirma niya na ilang mga aktibidades bagong ang final competition ay gaganapin sa Timog Taylandiya.[8][9]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Iniluklok si Miss Hanoi-Vietnam 2005 Phạm Thu Hằng bilang kinatawan ng kanyang bansa sa edisyong ito matapos na piliin ni Miss Vietnam Photogenic 2004 Bùi Thị Diễm na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.[10][11] Dapat sanang lalahok si Miss České Republiky 2004 Jana Doleželová sa edisyong ito, ngunit siya ay napalitan ni Kateřina Smejkalová matapos matanggalan ng lisensya upang magpadala ng kandidata sa Miss Universe ang Miss České Republiky.[12] Iniluklok si Magdalene Walcott bilang kinatawan ng Trinidad and Tobago matapos mapatalsik sa kanyang titulo si Miss Trinidad and Tobago 2005 Cheryl Ankrah dahil kanyang timbang.[13]
Mga unang sali, pagbalik, at mga pag-urong
Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Letonya, at bumalik ang mga bansang Albanya, Indonesya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Mawrisyo, Namibya, Reyno Unido, Sambia, at Sri Lanka. Huling sumali ang Indonesya at Sri Lanka noong 1996, noong 1999 ang Sambia, noong 2000 ang Reyno Unido bilang ang Gran Britanya, noong 2002 ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, at noong 2003 ang Albanya, Mawrisyo, at Namibya.
Hindi sumali ang mga bansang Austrya, Botswana, Estonya, Gana, Kapuluang Kayman, San Vicente at ang Granadinas, Suwesya, at Taywan sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[14][15] Dapat sanang lalahok si Marina Rodrigues ng Portugal, ngunit bumitiw dahil sa mga personal na dahilan.[16]
Tulad noong 2003, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semi-finalist. Lumahok sa swimsuit competition ang sampung mga semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final question.[23]
↑"She's not the real Miss Vietnam". Today. 25 May 2005. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 January 2023. Nakuha noong 10 January 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Ferreira, Joao (13 Enero 2011) [6 Agosto 2004]. "Miss Portugal with scholarship". New Bedford Standard-Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Pebrero 2024.
↑"Canada wins Miss Universe". Sun Journal (sa wikang Ingles). 31 Mayo 2005. p. 11. Nakuha noong 3 Pebrero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Müller-Wirth, Moritz (11 Pebrero 2009). ""Der Hass kommt von innen heraus"" ["The hate comes from within"]. Die Zeit (sa wikang Aleman). Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑Burrows, Petura (22 Marso 2005). "Denia's beauty queen dream becomes a reality". The Tribune (sa wikang Ingles). p. 25. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
↑"La metamorfosis de tres reinas" [The metamorphosis of three queens]. El Nuevo Día (sa wikang Kastila). 4 Agosto 2005. Nakuha noong 13 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bolivia.com.
↑Shabanzadeh, Margit Mønsted (17 Mayo 2005). "Gitte favorit til Miss Universe" [Given favorite for Miss Universe]. Ekstra Bladet (sa wikang Danes). Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑Funes, Karen. "Sitio Oficial de Irma Dimas". El Diario de Hoy (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2023. Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑Wright, Raquel (26 Marso 2006). "Raquel writes". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑"Of beauty and sensitivity..."Today (sa wikang Ingles). 24 Mayo 2005. p. 18. Nakuha noong 10 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Ganguly, Nivedita (19 Agosto 2006). "She walks in glory". The Hindu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 May 2007. Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑Samin, Lisa (Nobyembre 2005). "Elena Ralph – The Beauty of Israel". Jewish Agency for Israel (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2013. Nakuha noong 10 Enero 2023.
↑Arango Sepúlveda, Beatriz (13 Nobyembre 2004). "Un regalo para Atlántico". El Colombiano (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2004. Nakuha noong 10 Enero 2023.
↑Quiñones, Alfonso (11 Abril 2005). "Renata lo soñó: Miss RD Universo". Diario Libre (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2011. Nakuha noong 13 Enero 2023.
↑Mukoka, Augustine (6 Hunyo 2005). "Zambia: Cynthia is Thai Tourism Envoy". The Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.