Sources for area, capital, coat of arms, coordinates, flag, language, motto and names: [3] For an alternate area figure of 48,730 km2 (18,810 mi kuw), calling code 809 and Internet TLD: [2]
Ang Republikang Dominikano, payak na kilala bilang Dominikana (Kastila: Dominicana), ay bansa sa pulo ng Hispaniola, bahagi ng kapuluan ng Kalakhang Antillas sa rehiyon ng Karibe. Ang tatlong-kawalo ng kanluran ng pulo ay sakop ng bansang Haiti,, dahilan upang ang Hispaniola ay maging isa sa dalawang pulo ng Karibe, kasama ng Saint Martin, na pinagsasaluhan ng dalawang bansa. Kung tutukuyin ang lawak at populasyon, ang Republikang Dominikana ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Karibe (sunod sa Cuba), taglay ang 48,445 km2 (18,705 mi kuw) at halos 10 milyong katao, isang milyon dito ay nakatira sa kabiserang-lungsod, ang Santo Domingo.[3][4]
Ang Republikang Dominikano ang ikasiyam na may pinakamalaking ekonomiya sa Latin Amerika at ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa rehiyon ng Karibe at Gitnang Amerika.[5]
Bagama't matagal nang kilala ang bansa sa agrikultura at pagmimina, ang ekonomiya ay pinangungunahan ngayon ng mga paglilingkod o serbisyo.[2] Ang pag-unlad pang-ekonomiya ng bansa ay ipinakikita nito sa nauuna nitong sistema ng telekomunikasyon at imprastraktura ng transportasyon. Gayunpaman, nananatiling malalaking suliranin ng bansa ang kawalan ng trabaho, katiwalian sa pamahalaan, at paputul-putol na serbisyo ng kuryente. Taglay din ng bansa ang "di-pantay-pantay na markadong kita".[2] Ang migrasyong palabas ay nakaaapekto nang malaki sa Republikang Dominikano, dahil maraming pumapasok at lumalabas na mga migrante sa bansa. Malaking suliranin ang paglipat ng mga taga-Haiti at ang pagkakaroon ng mga Dominikanong nagmula sa Haiti ang mga ninuno. Maraming mga Dominikano ang umaalis at nagtutungo sa Estados Unidos.[6] Nakapag-aambag ang mga ito sa pag-unlad ng bansa dahil nagpapadala sila ng mga bilyong dolyar sa kanilang mga pamilya.[2][7]
Pangalan at Sagisag
Sa kabuuan ng kasaysayan (hanggang kalayaan nito) nito, ang kolonya ay dating kilala bilang Santo Domingo,[8] ang pangalan ng kasalukuyang kabisera nito, at ng santong patron nito, Santo Domingo. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga "Dominikanos", at ang mga rebolusyonaryo nito ay tinawag ang kanilang bagong bansa bilang "La República Dominicana". Kadalasang pinaiikli ang pangalan nito sa "Ang D.R."[9]