Ang Pinlandiya (Pinlandes: Suomi; Suweko: Finland), opisyal na Republika ng Pinlandiya, ay bansang Nordiko na matatagpuan sa Hilagang Europa. Pinapaligiran ito ng Noruwega sa hilaga, Suwesya sa hilagang-kanluran, Rusya sa silangan, Golpo ng Botniya sa kanluran, at Golpo ng Pinlandiya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 338,145 km2 at tinatahanan ng mahigit 5.6 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Helsinki.
Noong 2013, ang populasyon ng Finland ay umabot na ng 5.5 milyon, at ang kalakhang bahagi nito ay naninirahan sa timugang bahagi ng bansa. Ito ang ikawalo sa pinakamalawak na bansa sa Europa. Mahigit 1.4 milyong katao ang nakatira sa Helsinki, ang kabisera nito, at sa mga nakapaligid na bayan nito.
Mula noong ika-12 siglo hanggang 1809, bahagi ng Sweden ang Finland. Naging bahagi naman ito ng ng Imperyo ng Rusya bilang isang Grand Duchy of Finland. Nagdeklara ng kalayaan ang Finland sa kasagsagan ng Himagsikan sa Rusya noong 1917. Lumaban ang Finland kapwa sa Unyong Sobyet noong 1939-1940 (Digmaan sa Taglamig) at 1941-1944 (Karugtong na Digmaan) at sa Alemanyang Nazi noong 1944-1945 (Digmaang Laponiya). Sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Finland noong 1955, sa Unyong Europeo noong 1995.
Mga sanggunian
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo-politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.