Ang Asunción (NK //, EU //,[2][3][4] Kastila: [asunˈsjon]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Paraguay. Matatagpuan sa kaliwang pampang ng Ilog Paraguay, halos pinagtatagpo ang ilog na ito sa Ilog Pilcomayo, sa lupalop ng Timog Amerika. Hinihiwalay ng Ilog Paraguay at ang Look ng Asunción sa hilagang-kanluran ang lungsod mula sa Rehiyong Oksidental ng Paraguay at Arhentina sa timog na bahagi ng lungsod. Pinapalibot ang natitirang bahagi ng lungsod ng Gitnang Departamento.
Isang awtonomong kabiserang distrito ang lungsod, na hindi bahagi ng kahit anong departamento. Tinatawag na Gran Asunción ang kalakahang lugar, na kinabibilangan ng San Lorenzo, Fernando de la Mora, Lambaré, Luque, Mariano Roque Alonso, Ñemby, San Antonio, Limpio, Capiatá at Villa Elisa, na bahagi ng Gitnang Departamento. Umaabot sa mga dalawang milyon ang mga naninirahan sa kalakhang lugar ng Asunción. Nakalista ang munisipalidad ng Asunción sa Palitan ng Sapi (o Stock) ng Asunción bilang MUA.
Isa ang Asunción sa pinakamatandang lungsod sa Timog Amerika at ang pinakamahabang patuloy na tinitirhan na lugar sa Palanggana ng Rio de la Plata; sa kadahilanang ito, nakilala ito bilang "ang Ina ng mga Lungsod." Mula Asunción, ang mga ekspedisyong kolonyal ay umalis upang maghanap ng ibang lugnsod, kabilang ang ikalawang pagkakatatag ng Buenos Aires at ibang mahahalagang lungsod ng Villarrica, Corrientes, Santa Fe at Santa Cruz de la Sierra.
Mga sanggunian