Ang Rio de Janeiro ("Ilog ng Enero", binibigkas [ˈhiw dʒi ʒʌˈnejɾu] sa Portuges, /ˈriːoʊ deɪ ʒəˈnɛroʊ/ sa Ingles) ay ang pangalawang pangunahing lungsod sa Brazil, kasunod ng São Paulo. Kabisera ang lungsod ng estado ng Rio de Janeiro. Naging kabisera ito ng Brazil (1763–1960) at Imperyong Portuges (1808–1821). Karaniwang kilalang bilang Rio lamang, palayaw rin ng lungsod ang bansag na A Cidade Maravilhosa na nangangahulugang "Ang Kamangha-manghang Lungsod".
Sikat ang lungsod na ito sa likas na tanawin, mga pagdiriwang Karnabal, samba at ibang musika, mga pang-turistang dalampasigan na may mga otel, katulad ng Copacabana at Ipanema, na nakalatag sa itim at kremang nakatirintas na huwarang mosaiko.
Turismo
Isa sa kilalang mga palatandaang pook (landmark) ang higanteng rebulto ni Hesus, kilala bilang 'Cristo Redentor' (Kristong Tagapagligtas) sa tuktok ng bundok Corcovado.
Palakasan
Ang Rio de Janeiro ay ang punong-abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 at Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2016. Dahil diyan, ang lungsod ay ang unang Timog Amerikano at nagsasalita ng Portuges na lungsod na nakapagpunong-abala ng mga nasabing kaganapan, at ang pangatlong pagkakataon na isinagawa ang Palarong Olimpiko sa isang lungsod sa Pangtimog na Hating-Globo.[3]