Ang Spice Girls habang nagtatanghal sa kanilang pinakahuling konsiyerto ng muling pagsasama-sama sa Toronto, Ontario, noong Pebrero 2008. (Mula kaliwa pakanan) Melanie Chisholm, Victoria Beckham, Geri Halliwell, Melanie Brown at Emma Bunton.
Ang Spice Girls ay isang Britanikong pop na grupo ng mga kababaihan na nabuo noong 1994. Binubuo ang grupo ng limang miyembro, na kinalauna'y nakilala sa mga palayaw na ibinigay sa kanila: Melanie Brown ("Scary Spice"), Melanie Chisholm ("Sporty Spice"), Emma Bunton ("Baby Spice"), Geri Halliwell ("Ginger Spice"), at Victoria Beckham, dating Adams ("Posh Spice"). Sila ay nakapirma sa Virgin Records at naglabas ng kanilang paunang isahang awit, ang "Wannabe" noong 1996, na naging numero uno sa mahigit 30 bansa at nakatulong upang maitatag ang grupo bilang isang pandaigdigang pangyayari (global phenomenon). Ang kanilang paunang album na Spice ay nakapagbenta ng mahigit 30 milyong kopya sa buong mundo, dahilan upang ito ang maging pinakamabiling album ng isang grupo ng mga kababaihan sa kasaysayan ng musika. Ang kanilang sumunod na album na Spiceworld ay nakapagbenta ng mahigit 20 milyong kopya sa buong mundo.[1][2][3][4] Sa kabuuan, nakapagbenta sila ng mahigit 85 milyong rekord sa buong mundo,[5][6][7] dahilan upang maging sila ang pinakamabentang grupo ng mga kababaihan sa lahat ng panahon,[5][8] at ang pinakamalaking pangyayari sa Britanikong pop mula noong kapanahunan ng The Beatles.[9][10][11]