Ang Geneva, o Hinebra, (pagbigkas: /ji•ní•va/, Pranses: Genève, Aleman: Genf, Italyano: Ginevra, Romansh: Genevra) ay ang ikalawang pinakamataong lungsod sa Switzerland (kasunod ng Zürich) at pinakamataong lungsod sa Romandy, ang bahagi ng Switzerland na Pranses ang salita. Matatagpuan ito sa bunganga Rhône sa Lawa ng Geneva, ito ang kabisera ng Canton ng Geneva.
Ang munisipalidad ng (ville de Genève) ay may populasyong umabot ng 197,376 noong Disyembre 2014, habang ang canton (na siyang pinakalungsod) ay umabot ng 482,545 residente. Noong 2011, ang agglomération franco-valdo-genevoise (Kalakhang Geneva) ay may 915,000 naninirahan sa Switzerland at Pransiya.
Isang global city ang Geneva, sentro ng pananalapi, at sentro ng diplomasya dahil matatagpuan dito ang maraming pandaigdigang organisasyon, kasama rito ang punong-tanggapan ng mga ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa,[1] at ng Krus na Pula.[2] Sa Geneva matatagpuan ang pinakamaraming punong-tanggapan ng mga pandaidigang samahan sa buong mundo.[3] Dito rin nilagdaan ang mga Kumbensiyon ng Geneva, na tumalakay sa pagtrato ng mga sibilyan sa panahon ng digmaan at ng mga bilanggo ng digmaan.
Mga sanggunian