Dati-rati'y isang pamayanang namamalakaya, ang Kinshasa ngayon ay isang lungsod na may populasyon noong 2013 na umaabot ng 9 milyon.[4] Katapat naman ng lungsod ang Brazzaville, ang kabisera ng katabing bansa nitong Republika ng Congo na makikita sa kabilang dako ng malapad na Ilog Congo. Isa ang lungsod ng Kinshasa sa 26 na mga lalawigan ng Congo. At dahil malawak ang nasasakupan ng lungsod–lalawigan na ito, mahigit sa 90% lupain ng lungsod–lalawigan ay kanayunan pa, at ang maliit na bahagi lamang ng lupain nito ay kabayanan na matatagpuan sa malayong kanlurang dulo ng lungsod–lalawigan.[5]
Ang Kinshasa ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Aprika, kasunod ng Cairo at Lagos.[2] Ito rin ang ikalawang pinakamalaking "francophone" na lungsod, kasunod ng Paris, dahil na rin Pranses ang wika ng pamahalaan, mga paaralan, pahayagan, lingkurang–bayan, at high–end na komersiyo sa lungsod, samantala ang wikang Lingala ay ang lingguwa prangka sa kalye.[6] Kung magpapatuloy ang takbo ng demograpiko nito, malalagpasan ng Kinshasa ang Paris sa populasyon bandang 2020.[7] Idinaos sa Kinshasa ang ika-14 na summit ng Francophonie noong Oktubre 2012.[8]
Ang mga naninirahan sa Kinshasa ay tinatawag na Kinois (sa Pranses at minsan sa Ingles) o Kinshasans (sa Ingles). Kabilang sa mga katutubong lipi sa lugar ang mga Humbu at mga Teke.
↑"DRC: Watching the volcanoes". IRIN News. IRIN. 16 Pebrero 2010. Nakuha noong 14 Abril 2015. Against these odds, the population of Goma has grown to about one million from 400,000 in 2004 and 250,000 in 2002, making it difficult to evacuate in the event of a volcanic eruption, a military observer in Goma said.